Sumulong sa Kadakilaan

Thursday, July 16, 2009

Mga sanaysay ni Apolinario Mabini

[Mga sanaysay ni Apolinario Mabini ukol sa Pamahalaan ng Pilipinas, Mayo 1898]
Apolinario Mabini

SA BAYANG FILIPINAS

Baga mat mahina at akoy may saquit kinusa ng loob, bayang inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang madlang ligalig.

Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa pagka’t di natin dapat pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran.

Tingni’t nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios, tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.

Sapagkat ng una’y kaniyang nasasakupan malalaking bayang nadaya’t nalalang, kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.

Talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna; nguni’t lalong talos na di naaakma na sa bayang iya’y makisalamuha.

Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit; nguni’t kung ang baya’y payapa’t tahimik aliping busabos na pinaglalait.

Ah! pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaul-ulan o kun dili kaya’y magpapakamatay, pag hindi sa utos ng Dios sumuay.

At kung ang balang na ay waling bahala at ipatuloy mo kaul-ulang nasa, haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak mong lubos na naaba.

Sasabihin niya’y, tigil at huag ka na magpapatibulid sa ikamumura pagka’t ng ikaw lama’y guminhawa kaya ibinuhos ang madlang parusa.

Di ko hinahangad na ikaw’y lumabas sa kampo ng walang kahusaya’t sangkap, pagka’t talastas kong matuid ang landas at mahahatid ka sa pagkapahamak.

Ang inoola ko’y dili iba’t ito mag-isa ang loob ng lahat ng tawo, sa loob ng bayan at sa bawa’t barrio ay biglang maghalal ng isang Pangulo.

Ang mga Pangulo ay mangag-uusap Pipili ng Punong lalong nararapat Humusay ng gulo, magtuto sa lahat At tumayo naman sa bayang nag-atas.

Ang mga Pangulo habang naghuhusay ng sa isa’t isang mga kaibigan, hinahanap naman nitong Punong bayan ang Punong nahalal sa mga kahangan.

At kung matuklasa’y biglang pupulungin pagkakaisahin ang Punong susundin at sa kabayana’y lalong tatanghalin sampong tagatayo na kikilalanin.

Ytong tagatayo’y kusang maglalakbay, tutunguhin niya ibang kabayanan at kung matagpuan mga kababaya’y ipakikita na dalang kasulatan.

Sa sulat na ito nanga kapirma ang mga Pinunong nagsugo sa kanya, upang mapagnuynoy yaong Ordenanza pati ng programa niyaong Republica.

Tuloy kilalanin niyaong kapisanan ang kapangyarihan niyang tinataglay at siya ay isa sa mangaghahalal doon sa Presidenteng kapunupunuan.

At siya’y magtungkol na makapaghanap ng ikagagaling nitong Filipinas at ng kabayanang sa kaniya’y nag-atas ayon sa tadhana niyong Ordenanzas.

At ang mga salin na nagpapatunay sa mga Pinuno na pagkakahalal ay sa Presidente kusang ibibigay upang pagtibayin yaong katungkulan.

Ito nga’t di iba aking pinipita sa iyo, oh bayang inoola kun ito ang gawi’y magkakaroon ka boong kailangan at ikaka-kaya. Kahusaya’t lakas, boong kasangkapan pawang hahakutin sa iyong kandungan at may mananagot, kun ang ibang bayan ang ibig maglutas iyong kabuhayan.

Sa tawong marami walang iluluhog, kundi mangag-bait ng di mabalatong huag mabalisa ng di maparool at di nababakla loob na hinahon

Sa mayama’t pantas ay ipatalos sa kanilang kamay tinipon ng Dios ang yaman at dunong na gagawing tungcod upang masapit mo ang ikababantog.

Kahima’t talikdan ang ingat na dangal at ikakait nila ang na kakayanan, hindi rin uurong ang balisang bayan, galit palibhasa’y siyang umaakay.

Lahat na madana’y kun maigiba na sa tinakbotakbo walang pinupunta tambing babalikan ang di nabalisa sa galit ng Dios siya’y isasanga.

Nguni’t hindi ito ang pinaglalagiyan ng boong pag asang laon ng sinimpan ang pananalig ko ay buhay na buhay sa mga anak mong katutubong damdam.

Bayang sakdal tapang at dati sa tiis pinangingilagan ng dusa’t panganib himala ng sipag kun natatahimik sa pagka alipin ay lihis na lihis.

Sa pagkadakila tungo iyang bayan at natatalagang malakas na kamay na ipaghuhusay sa sangdaigdigan pinilis hinirap ng Poong may kapal.

Ang bayang ito’y may tinagong lakas na ikaaahon sa pagka pahamak, at makahihingi ng luklukang dapat sa apkikiulong sa ibang Potencias.

Tantong manalig ka’t ikaw’y tutulungan kanilang inanak hindi babayaan pagka’t pawang hirap siyang maaayunan nguni’t kun tumulong ay kaginhawahan.

Mga binibini siyang magyayakag upang maitunghay noong maliwanag na pinaglahoan ng pula’t paghamak at pakundanganan ang puring iningat. Yaring salita ko’y kusang ititigil taluktok ng bundok siyang tutunguhin dito ihahagis, bayang ginigiliw ang magbati sa iyong luningning.

Kapag nabalita sa huning mapanglaw niyaong mga ibon aking pagkamatay, pakatantoin mong huling binitiwan ng mga bibig ko ang iyong pangalan.

At siya rin naming marahil tawagin sa mga sala ko’y upang patawarin ibukas ang pinto’t tuloy papasukin sa piling tahanan ng payapa’t aliw.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment