ANG DEKALOGO NG KATIPUNAN
Mga Katungkulang Gawain ng Anak ng Bayan
Andres Bonifacio
1. Ibigin mo ang Diyos ng buong puso.
2. Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pag-ibig sa bayan at sa kapwa tao.
3. Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay sa pakikilaban sa ngalan ng iyong bayan.
4. Ang lahat ng mabubuti mong hangarin ay makakamtan kung ikaw ay mahinahon, matiyaga, makatwiran, may pag-asa sa iyong gawain.
5. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga hangarin ng K.K.K.
6. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagpupumilit na matupad ang isang marangal na hangarin kahit mapilitang ihandog mo ang sariling buhay at yaman.
7. Bayaang ang ating sariling pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin ay maging uliran ng iba.
8. Bahaginan mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulangpalad[7] sa loob ng iyong makakaya.
9. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikakabuhay ay nagpapahayag ang tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid at kababayan.
10. May parusa sa bawat salarin at taksil, at gantimpala sa lahat ng mabuting gawa. Panaligang ang mga puntahin ng K.K.K. ay kaloob ng Diyos at ang hangarin hinggil sa iyong bayan ay hangarin din ng Diyos.
Inilagay ng Supremo ang mga tungkulin ng bawat kapatid sa Katipunan sa mga makapangyarihang salitang ito.
No comments:
Post a Comment