Emilio Jacinto
Sa Bayang tinubuan
Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.96
Introduction
This poem is in the handwriting of Jacinto, but is unsigned and undated. It might be one of the contributions he wrote around April 1896 for the second issue of Kalayaan, whose publication had to be aborted.
Jacinto calls upon his enslaved compatriots to emulate the example of their brothers in Cuba, who after long years of docility had at last come to life and rebelled.
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›
Sa Bayang tinubuan
¡ Oh, Bayang nahimlay sa kaalipinan!
¿ ano’t di bumangun sa pagkagulaylay?
bugsi [?] iyang mo’t kusa kang pumukaw,
masdan ang pagayop ng Inang hinirang.
Iyang nangalandakan na Inang España,
maraming pangakong pagyayamanin ka,
tatlong dang taun ang nakaraus na,
magpahanga ngayon ay dinadaya pa.
Matamis na sabi’y huag kang mawiwili,
lalung mararawal ang buhay sa huli,
dusang patung patung ang ibabahagi
sa tanang anak mong larawan ng api.
Masdan ang ginawa kapatid mong isa,
sa masusunurin nga at payapang Cuba,
¿ di ang naging huli binigian ng sigla?
kaya’t naghiganti buhay ma’y mapaka.
¿ Ano’t di balungan ng kamunting hiya,
matutong magdamdam sa pasan mong dalita
[?]ng mo pa yatang mamatay sa pula,
na sa itangol mo ang anak na mutiya.
¿ Di baga mayroon kang kalakasa’t tapang?
lupa mo’y ¿ di baga sagana sa yaman?
¿ bakit di iwaksi ang parusang alay,
ihanap ng aliw iyang kabuhayan?
¿ Di baga mayroon kang malalaking bundok,
na panganganlungan sa pakikihamok,
sagana sa ani’t sagana sa hayop?
di nga magugutom, di madadayukdok.
¿ Bakit naruruag at nagbabata ka,
na sa iyo’y ipatung tanikalang dusa?
di ikaw may pakpak na gaya ng Aguila,
¿ ano’t di gamitin ang dahas at sigla?
Ang akalain mo’y kapaguagpabaya,
cusang manatili sa pagkapayapa,
darating ang araw ng lalung dalita,
na iyong kakanin ang sariling luha.
Ang mga sakup mo’y lalung lulupigin
yuta yutang dusa ang iyong papasanin,
ang anak mo’t ikaw pawang malalagim
sa daguk ng lubhang dahas ng hilahil.
No comments:
Post a Comment