Sumulong sa Kadakilaan

Thursday, July 23, 2009

ANG MGA KRIMINAL

ANG MGA KRIMINAL
ni Mulong Sandoval

Naririto sila,
kasahan ng titig mula ulo hanggang paa.
Bumbunan ay helmet,
mga mata’y bala ng kanyon—
bola ng dolyar at piso—
kanila ang bungangang bihasang pumakakak
na bulak ang uwak
at uling ang tagak.
Sa bawat daliring punlo ang kuko,
tantuing pawis nati’t luha
ang ipinanghihinaw at ipinampapabango.

Damit nila ay hinabi
sa mga himaymay ng gutay na laman,
at kimpalkimpal na dugo
ang insinya’t burdang nakabudbod sa kwelyo at manggas,
lama’t dugo ng laksang anakpawis at kapanalig
na kanilang bineberdugo.
Gulong ng tanke ang ikinukubli ng suot nilang sapatos
na pinakintab sa mga butong pinulbos.
Sila ang kriminal,
Sila ang kriminal at di kailanman
Ang libong katawa’t hiningang ipinipiit nila’t pinupugto.


Naririto sila,
kasahan ng titig mula ulo hanggang paa.
Ilatag ang mga halimaw, ipaskil
sa lahat ng dingding, haligi, bubong at sahig
ng utak nati’t puso:
ilatag at ipaskil saanman
at kulapulan man ng mga kalburong galamay ng mga kriminal
ay huwag na huwag ipakatkay sa panahon
Ihaginit ang ating mga bibig:
sa mga opyo nilang balita,
puwit-basong proyekto ay itudla.
Bistayin ng sumpa ang kanilang bastyon.
Hayaang dugo’y sumulak
sa ating mga ugat,
maggubat sa apoy
ang ating mga bungo’t dibdib.
Ihabagat ang angaw nating braso, paalimbukayin, idaluyong—
angaw na brasong sa karampot na kriminal
ay magbubuwal, tatabon, lulunod.



Mayo 1977


ROMULO A. SANDOVAL
26 Hulyo 1950 -
8 Pebrero 1997

Makata ng Taon sa Talaang Ginto noong 1975, si Romulo A. Sandoval ay isa sa mga modernistang tinig ng mga anakpawis. Dalawang beses siyang nagwagi sa tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature-- pangatlong gantimpala noong 1977 at unang gantimpala noong 1981. Pangahas sa wika at imahen, progresibo't makabayan sa diwa at gawa, si Mulong ay isang tunay na rebolusyonaryong makata.

Siya'y tubong Bauan, Batangas.

Sunday, July 19, 2009

To the Child Jesus
by José Rizal
(A Translation from the Spanish by Nick Joaquin)


Why have you come to earth,
Child-God, in a poor manger?
Does Fortune find you a stranger
from the moment of your birth?


Alas, of heavenly stock
now turned an earthly resident!
Do you not wish to be president
but the shepherd of your flock?

Translated from the Spanish by Nick Joaquin



Sa Sanggol Na Si Jesus

O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't
Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?

Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?

Isinalin sa Tagalog dikilala

Awit Ng Manlalakbay

Awit Ng Manlalakbay
ni Josr Rizal

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,
Siya'y patuloy ring patungo kung saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya'y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya'y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
Sa sariling baya'y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba'y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

Isinalin sa Pilipino di kilala

Flower Among Flowers

Flower Among Flowers

by José Rizal

(A Translation from the Spanish by Nick Joaquin)



Flower among flowers,
soft bud swooning,
that the wind moves
to a gentle crooning.
Wind of heaven,
wind of love,
you who gladden
all you espy;
you who smile
and will not sigh,
candour and fragrance
from above;
you who perhaps
came down to earth
to bring the lonely
solace and mirth,
and to be a joy
for the heart to capture.
They say that into
your dawn you bear
the immaculate soul
a prisoner
-- bound with the ties of
passion and rapture?


They say you spread
good everywhere
like the Spring
which fills the air
with joy and flowers
in Apriltime.
They say you brighten
the soul that mourns
when dark clouds gather,
and that without thorns
blossom the roses
in your clime.
If then, like a fairy,
you enhance
the joy of those
on whom you glance
with the magic charm
God gave to you;
oh, spare me an hour
of your cheer,
a single day
of your career,
that the breast may savor
the bliss it knew!

Translated from the Spanish by Nick Joaquin

Isang Alaala Ng Aking Bayan

Isang Alaala Ng Aking Bayan-Translation of Jose Rizal's Poem Un Recuerdo Mi Pueblo

Isang Alaala Ng Aking Bayan

Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa ‘king katauhan
lalong sumisigla’t nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak
animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galak
sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.

Ang kagubatan mong kahanga-hanga
Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw
dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat
ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

Imno sa Paggawa

Imno sa Paggawa
ni Gat Jose Rizal

Salin sa tulang “Himno al Trabajo” na sinulat ni Rizal sa kahilingan ng kaniyang mga kaibigang taga-Lipaa, Batangas upang awitin sa pag-diriwang dahil sa pagiging lungsod ng Lipa. Inihandog niya ang tula sa masisipag na tao ng Lipa. Pinuri niyang maigi ang paggawa’t kasipagan ng tao “ Paggawa’y purihin na siyang sa baya’y nagbibigay-ningning.” Pinagpayuhan niya ang kabataang sumunod sa yapak ng masisipag na nakakatanda upang maging karapat-dapat sa kanila, sapagka’t” sa patay ang papuri’y wala, maliban sa isang anak na dakila.”

KORO

Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,
Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,
Itong Pilipino ay maasahang
Marunong mabuhay o kaya’y mamatay.

(Mga Lalaki)

Nakukulayan na ang dakong Silangan,
Tayo na sa bukid, paggawa’y simulan,
Pagka’t ang paggawa’y siyang sumusuhay
Sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan.

Lupa’y maaring magmamatigas naman,
At magwalang-awa ang sikat ng araw
Kung dahil sa anak, asawa at Bayan,
Ang lahat sa ating pagsinta’y gagaan.

KORO
(Mga babaing may Asawa)

Magmasigla kayong yao sa gawain,
Pagka’t ang baba’y nasa-bahay natin,
At itinuturo sa batang mahalin
Ang Bayan, ang dunong at gawang magaling

Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga,
Kayo’y inaantay ng tuwa’t ligaya
At kung magkataong saama ang manguna,
Ang magpapatuloy ang gawa’y ang sinta.

KORO
(Mga Dalaga)

Mabuhay! Mabuhay! Paggawa’y purihin
Na siyang sa Baya’y nagbibigay-ningning!
At dahil sa kanya’y taas ng paningin,
Yamang siya’y dugo at buhay na angkin.

At kung may binatang nais na lumigaw,
Ang paggawa’y siyang ipaninindigan;
Sapagka’t ang taong may sipag na taglay,
Sa iaanak nya’y magbibigay-buhay.

KORO
(Mga Bata)
Kami ay turuan ninyo ng gawain;
At ang bukas ninyo’y aming tutuntunin
Bukas, kung tumawag ang bayan sa amin,
Ang inyong ginawa’y aming tatapusin.

Kasabihan niyong mga matatanda:
“Kung ano ang ama’y gayon din ang bata,”
sapagka’t sa patay ang papuri’y wala.
Maliban sa isang anak na dakila.

To my Creator I sing

Jose Rizal

To my Creator I sing
Who did soothe me in my great loss;
To the Merciful and Kind
Who in my troubles gave me repose.

Thou with that pow'r of thine
Said: Live! And with life myself I found;
And shelter gave me thou
And a soul impelled to the good
Like a compass whose point to the North is bound.

Thou did make me descend
From honorable home and respectable stock,
And a homeland thou gavest me
Without limit, fair and rich
Though fortune and prudence it does lack.

To Virgin Mary

To Virgin Mary
Jose Rizal

Mary, sweet peace, solace dear
Of pained mortal ! You're the fount
Whence emanates the stream of succor,
That without cease our soil fructifies.

From thy throne, from heaven high,
Kindly hear my sorrowful cry!
And may thy shining veil protect
My voice that rises with rapid flight.

Thou art my Mother, Mary, pure;
Thou'll be the fortress of my life;
Thou'll be my guide on this angry sea.
If ferociously vice pursues me,
If in my pains death harasses me,
Help me, and drive away my woes!

Thursday, July 16, 2009

Emilio Jacinto (attrib.)

“Pahayag”


Source: Dimas Alan, “Pahayag”, translated into Spanish by
Juan Caro y Mora under the title “Manifiesto”in Wenceslao E. Retana (ed.),
Archivo del bibliofilo Filipino, vol. III (Madrid: Imprenta de la viuda de
M. Minuesa de los Rios, 1897), pp.138-44.


Introduction

“Pahayag,” the longest of the known contributions to Kalayaan, imagines a conversation between a patriotic youth and a shadowy apparition of Liberty, who regrets she has not visited the Islands for over three hundred years. The youth describes the sorrows of the Tagalog people, and beseeches Liberty to stay and help them be free.

Pio Valenzuela, in whose house Kalayaan was produced, recalled that in writing the piece Emilio Jacinto took inspiration from a book called Las Ruinas de Palmira.[1] This was a Spanish edition of Les Ruines, ou méditations sur les révolutions des empires by the French philosophe Constantin-François de Volney. Published in 1791, Volney’s work became a late Enlightenment classic, and in various translations remained influential throughout the 19th century. It made a great impression on Abraham Lincoln, and Andres Bonifacio reportedly had a personal copy that he donated to the Katipunan’s small library.[2]

Translations

Unfortunately, the original Tagalog text of “Pahayag” has never been located, not even a fragment or a draft, and historians who have summarised or discussed the piece have been obliged to rely on the Spanish translation published in 1897 by Wenceslao Retana, as cited above. So far as is known, the text has not previously been translated into English in its entirety, although extracts are to be found in several studies. The English translation in the right-hand column below is my own, but to some extent it is a collation and assemblage of four partial translations: (i) Epifanio de los Santos, “Emilio Jacinto”, Philippine Review, III:6 (June 1918), pp.419-20; (ii) Reynaldo Clemeña Ileto, Pasyon and Revolution: popular movements in the Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1979), pp.109-13; (iii) Vicente L. Rafael, The Promise of the Foreign: nationalism and the technics of translation in the Philippines (Pasig City: Anvil, 2006), pp.185-90; and (iv) a translation of some sections of the text made many years ago by my father, Geoffrey Walter Richardson.

Beneath the parallel Spanish and English versions is Virgilio S. Almario’s retranslation of the text into Tagalog from Juan Caro y Mora’s Spanish. [From Virgilio S. Almario, Panitikan ng rebolusyon(g 1896) (Quezon City: University of the Philippines Press, 1997), pp.160-3.]

Retranslation into Tagalog from Juan Caro y Mora’s Spanish translation



Pahayag



Isa iyong gabing madilim.

Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbal-gimbal na gabing iyon.

Nakayukayok at sapupo ng dalawang palad ang mukha, naghihimutok ang isang kabataan.

Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanganganib nang kusang panawan ng buhay.

Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa kanyang puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:

"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?"

Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.


"Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?"

"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan at ang katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga bayan?

"Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaa-ring matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan."

"Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?"

"Ay, sa aba ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon? Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya naglaho sa inyong mga gunita ang pagkakilala sa akin...

"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig: Ako ay ang simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay ang siga ng "Santa Inkisisyon" na ginamit ng mga prayle para busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibang pook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng siyensiya; saan mang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN."

Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng ilang saglit saka nakapangusap:

"Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o kataas-taasang Kalayaan! papawiin ko ang pighati na nagpapabalong ng labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa mga pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!

“'Ako,' sabi nila, 'ay nagugutom,' at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay tumugon: 'Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag.'

"Sabi ng aking mga kapatid: 'Ako'y nauuhaw,' at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon:
'Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nito.'

"Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap akong hubad,' at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon: 'Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga tanikala.'

"Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon: 'Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!'

"Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting pag-ibig, kaunting awa at kaunting lingap,' at mabilisang tutugon ang mga may-kapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala: 'Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'

"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang pagluha..."

"Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni KALAYAAN sa himig na nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita. "Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay wala nang dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan. Lumuha sa sariling tahanan at sa katahimikan at kadiliman ng gabi ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para sa isang kabataan... hindi ito ang nararapat."

"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa."

"Hindi lahat ng naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may masasamang kahiligan at ang mga ito'y dapat iwaksi lagi ng mga tao."

Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag.


"Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang wasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot. Samakatwid, makinigka. Noong sinaunang panahon, noong ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan; tinatanglawan ng aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at nangakong luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kanya.

"Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad na bayan... at inalayan siya ng iyong mga kapatid ng papuri at halos pagsamba... at ako ay nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at... Umabot sa akin ang iyong mga hinagpis at natigib ako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo'y dapat na akong umalis kaya't paalam na."

"Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang tumalikod at nakahandang lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong pangangalaga?"


"Unawain akong mabuti, bagama't hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may naririnig na dumaraing.
Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa."

Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis...

Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.

DIMAS ALAN


NOTES

[1] Pio Valenzuela, “Memoirs” (translated by Luis Serrano from an unpublished manuscript in Tagalog (c.1914) and reproduced as Appendix A in Minutes of the Katipunan (Manila: National Heroes Commission, 1964), p.106.

[2] Epifanio de los Santos, “Andrés Bonifacio”, Revista Filipina, II:11 (November 1917), p.61.

"Sa mga Kababayan", circa March 1896

Emilio Jacinto (attrib.)

“Sa mga Kababayan”

Source: “Sa mga Kababayan”, incomplete manuscript copy in Archivo General Militar
de Madrid, Caja 5395, le.4.25; Spanish translation from Kalayaan by Juan Caro y Mora
published under the title “Á los compatriotas” in Wenceslao E. Retana (comp.),
Archivo del bibliófilo filipino, vol.III (Madrid: Imprenta de la Viuda de M. Minuesa
de los Rios, 1897), pp.134-8.


Introduction

“Sa mga Kababayan” was the lead editorial in the sole issue of Kalayaan. Pio Valenzuela, in whose house the paper was produced, recalls in his Memoirs that “I wrote the first editorial and handed it to Emilio Jacinto for publication in the first issue” [but when] he “showed me the proof of the first page [I saw to my surprise] that the printed editorial was not the one I had given him but another by Marcelo H. del Pilar in La Solidaridad,” the organ of the propaganda movement in Spain that had ceased publication in 1895. This editorial, Valenzuela continues, “was translated into Tagalog by Jacinto, and was much better than the one I had prepared. I told Jacinto that I almost believed that the real editor of [Kalayaan] was Del Pilar himself. There were various Bulaqueños who knew the Tagalog of Del Pilar, and they declared the language used by Jacinto in his translation resembled Del Pilar’s perfectly.”[1] In his conversations many years later with Agoncillo, Valenzuela varied this account slightly, recollecting that Jacinto based “Sa mga Kababayan” on a number of editorials by Del Pilar rather than just one.[2]

In the piece, the supposed editor sends his salutations from “the other side of the wide ocean”, laments that Spain had scorned La Solidaridad’s patient supplications, and urges his compatriots now to support the cause of Kalayaan and take charge of their own destiny.

A manuscript copy of “Sa mga Kababayan” that survives in Madrid, which is transcribed below, is in Bonifacio’s handwriting, not Jacinto’s, but this does not necessarily mean that Bonifacio was actually the author. It is entirely plausible that Bonifacio copied out the text whilst Kalayaan was being prepared for publication, perhaps for editing purposes and perhaps to make it more legible for the printers.

There is no way of knowing for certain whether the Madrid manuscript was the final draft prior to the editorial being set in type, or whether there were later amendments. Nevertheless, any such amendments can only have been minor, because the text of the manuscript clearly does correspond very substantially with the Spanish translation made from a printed copy of Kalayaan that was published by Wenceslao Retana in 1897.[3]

The manuscript copy, however, is incomplete. It has seven paragraphs, whereas the Spanish translation has ten. To give at least an indication of how the piece concludes, the last three paragraphs have been translated into English below from the Spanish translation.

Paragraph numbers do not appear in the original, and have been inserted here simply to facilitate comparison between the Tagalog text and the English translation.


› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

Tagalog text

Sa mga Kababayan

1.
Buhat dito sa kabila ng malawak na dagat, sa sinapupunan at pagkakandili ng ibang lupa at ibang mga kautusan, sa inyo mga kababayan ang tungo ng aming unang bati, ang kaunaunahang salita na iguhit ng aming kamay, ang unang himutok na pumulas sa aming dibdib, ang unang pag bigkas ng aming mga labi…sa lahat ay sa inyo.

2.
Inyo ngang tangapin, at masarapin tunay ng inyong kalooban, sa pagkat nagbubuhat sa tapat naming puso, na wala nang iba pang itinitibok kung di isang matinding pag ibig sa tinubuang Bayan at tunay na pag daramdam sa pagkaapi at inaabot nyang kadustaan.

3.
Kapagkarakang narinig ng aming mga tainga ang inyong mga pag daing, kapagkarakang mapag malas ng aming mga mata ang inyong pagkaaping walang makatulad at mabangis na kahirapan, agad nang nukal na kusa sa aming kalooban ang isang banal at dakilang nasa, na kayo’y maibangon sa pagkalugmok at pukawin ang inyong puso sa pagkahimbing at malusong pagkagupiling o maampat kaya ang matinding dagok ng sakit at kalumbayang inyong tinitiis.

4.
Tunay na kami ay umasa din, gaya ng makapal na mga kababayan na nagakala na ang inang Espana ay siyang tanging may karapatang mag bigay ng kaginhawahan nitong Katagalugan. Nguni’t ang panahung lumipas, ang patung patung na pag ulol ang walang pangitang silo ng daya na sa aking isinumang, ang mga pangakung hindi tinutupad, ay siyang omuntag [?] sa aming payapang at katiwalang kalooban at nag pakilalang tayo’y siyang gumawa at may yaman at umiasa’t antain sa ating lakas na sarili ikabubuhay.

5.
¿Ano pa ang inaantay at hinahangad? Tatlong daang taung mahigit na pag titiis sa bigat ng pamatok ng pagkaalipin, malaung panahung wala tayong ginawa kungdi ang lumuhogluhog at humingi sa kanila ng kahit gabuhit na pag lingap at kaunting paglingon, gayon ma’y ¿ano ang nakikita nating isinasagut at iginaganti sa ating pag mamakaawa? Wala kung di ang tayo’y itapun isadlak sa lalung kamatayan.

6.
Pitong taung walang tigil na ang “La Solidaridad” ay kusang nagpumilit na iniubos ang buong lakas niya, upang tamuhin natin ang mga matamo ng kaunting karapatan sa kabuhayan ng tao, at ¿ano ang inabot niyang pala sa mga pagud at panahung ginugol? Pangako, daya, alipusta at mapait na pagkamatay......

7.
Ngayong hapu na ang ating nag taas na kamay sa laging pag luhog; ngayong na namamaus na’t unti unting na wala ang sigaw ng ating mapanghan na tingig sa laging pag daing, ngayong inaagaw na halus ang ating hininga sa bangis ng hirap, aming itinayu ang yukong ulong a gawi na sa pag suko, at kumuhang lakas sa matibay na pananalig namin sa tunay na katuiran, na maimulat ang kaisipan ng aming mga kababayan at maipakitang malinaw sa kanila na ang salitang Inang Espana ay isang pag limang at hibo lamang, na maitutulad, sa basahang pangbalut sa tanikalang kaladkad; walang ina’t walang anak; wala kung di isang lahing lumulupig at isang lahing palulupig, isang bayang nagtatamasa at nabubusog sa di niya pagud at isang bayang nagpapagud sa di niya pinakikinabangan at ikinabubusog.


› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

English translation

To the Compatriots

1.
From here on the other side of the wide ocean, under the bosom and protection of another land and other laws, to you, compatriots, is sent our first greeting, the first word written by our hand, the first sigh that leaves our breast, the first enunciation, too, of our lips... everything is to you.

2.
Receive it then, and truly savour it in your being, because it comes from our sincere heart, which beats with nothing but an intense love for the native land and a true compassion for her in the oppression she suffers.

3.
Readily our ears can hear your complaints; readily our eyes so often have the misfortune to see your singular oppression and cruel hardship; immediately and spontaneously there springs in our soul a great and exalted desire that you may rise up from your prostration and rouse your hearts from their deep and restful slumber, and thus bring to an end the heavy blows of pain and your woeful tribulations.

4.
Truly we also hoped, as a great number of compatriots believed, that only mother Spain has the right to give prosperity to this Katagalugan. But time passes; the follies accumulate, the faceless web of deceit that I repudiate, the unfulfilled promises have shattered our peaceful and trusting nature and made us realise that we must be the ones to act and create wealth and that we must hope and wait on our own strength to achieve our welfare.

5.
What else is to be expected and desired? Over three hundred years suffering the heavy yoke of slavery, yet for a long time we did nothing but beseech and ask them for just a little consideration and a little mercy. And then what answers were seen in response to our supplications and pitifulness? None, except that we were sent into exile or even to our deaths.

6.
For seven years La Solidaridad worked incessantly and exhausted its whole strength in order that we might achieve some modest right to a human existence. And yet what was the result of the expended time and effort? Promises, deceit, scorn and bitter death….

7.
Now we are weary of raising our hands aloft in constant supplication; now the cry of our mournful voice in constant complaint is gradually ceasing; and now our breath has almost been taken away from us by the cruelty of our suffering; we raise our bowed heads, accustomed to being submissive, and drawing strength from our firm belief in true reason, we can open the minds of our fellow countrymen and show them clearly that the phrase Mother Spain is only a distraction and deceit that can be compared to a rag wrapped around encumbering shackles; that there is no mother and no child; that there is nothing else than a race that oppresses and a race that is oppressed; a people that tirelessly enriches and satiates itself and a people that is tired of deprivation and hunger.

____________________________________________

From this point onwards, the Tagalog text has not been located. The remainder of the editorial, as published in Spanish translation in Retana’s Archivo, was many years ago translated in turn into English by my father, Geoffrey Walter Richardson, and is as follows:-



8.
Too well we know that this must cause great misgivings and fears, must give rise to a cruel persecution and all kinds of torments and sufferings for our compatriots there. But what do one, or five, or ten, or a hundred, signify in comparison with a million brothers? We firmly believe, moreover, that these abominations and vilenesses will come to us first from the arms of collaborators, as was already predicted by the wisest, most noble and most esteemed of the Tagalogs [José Rizal] when they notified him of the arrest of those who were exiled: “Weep, I tell them - the son for the disgrace of the father, the father for the disgrace of the son, the brother for the brother - but he who loves the country where he was born, and considers what is necessary to better it, should rejoice, because by this road alone can freedom now be attained.”

9.
And now that we have shown our aim and purpose, we will not end these inadequate lines without sharing your lamentations. We see the truth, and in our hearts and breasts we have a great and deep desire that you help us in the publication and propaganda of Kalayaan, above all amongst the unfortunate people of the country, for the insults they suffer are the cause and motive of this publication.

10.
And if by chance they could not use it for any greater purpose, may it at least serve as a cloth to wipe the tears that fall from their eyes and the sweat that runs from their humbled brows.


NOTES

[1] Pio Valenzuela, “Memoirs” (translated by Luis Serrano from an unpublished manuscript in Tagalog (c.1914) and reproduced as Appendix A in Minutes of the Katipunan (Manila: National Heroes Commission, 1964), p.106.

[2] Teodoro A. Agoncillo, The Revolt of the Masses: the story of Bonifacio and the Katipunan (Quezon City: University of the Philippines Press, 1956), p.79.

[3] The most evident disparity is in the second sentence of the fourth paragraph, which could be rendered from the Retana version into English as “But time passes; the multiple follies and the unfulfilled promises have clarified and awakened our whole view of things, and made us realise that the blood of the Spaniards here or living in the Archipelago is the same blood as that of the Spaniards who live in Spain.”

Sa Bayang tinubuan

Emilio Jacinto
Sa Bayang tinubuan
Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.96

Introduction


This poem is in the handwriting of Jacinto, but is unsigned and undated. It might be one of the contributions he wrote around April 1896 for the second issue of Kalayaan, whose publication had to be aborted.

Jacinto calls upon his enslaved compatriots to emulate the example of their brothers in Cuba, who after long years of docility had at last come to life and rebelled.
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

Sa Bayang tinubuan

¡ Oh, Bayang nahimlay sa kaalipinan!

¿ ano’t di bumangun sa pagkagulaylay?

bugsi [?] iyang mo’t kusa kang pumukaw,

masdan ang pagayop ng Inang hinirang.

Iyang nangalandakan na Inang España,

maraming pangakong pagyayamanin ka,

tatlong dang taun ang nakaraus na,

magpahanga ngayon ay dinadaya pa.

Matamis na sabi’y huag kang mawiwili,

lalung mararawal ang buhay sa huli,

dusang patung patung ang ibabahagi

sa tanang anak mong larawan ng api.



Masdan ang ginawa kapatid mong isa,

sa masusunurin nga at payapang Cuba,

¿ di ang naging huli binigian ng sigla?

kaya’t naghiganti buhay ma’y mapaka.



¿ Ano’t di balungan ng kamunting hiya,

matutong magdamdam sa pasan mong dalita

[?]ng mo pa yatang mamatay sa pula,

na sa itangol mo ang anak na mutiya.



¿ Di baga mayroon kang kalakasa’t tapang?

lupa mo’y ¿ di baga sagana sa yaman?

¿ bakit di iwaksi ang parusang alay,

ihanap ng aliw iyang kabuhayan?



¿ Di baga mayroon kang malalaking bundok,

na panganganlungan sa pakikihamok,

sagana sa ani’t sagana sa hayop?

di nga magugutom, di madadayukdok.



¿ Bakit naruruag at nagbabata ka,

na sa iyo’y ipatung tanikalang dusa?

di ikaw may pakpak na gaya ng Aguila,

¿ ano’t di gamitin ang dahas at sigla?



Ang akalain mo’y kapaguagpabaya,

cusang manatili sa pagkapayapa,

darating ang araw ng lalung dalita,

na iyong kakanin ang sariling luha.



Ang mga sakup mo’y lalung lulupigin

yuta yutang dusa ang iyong papasanin,

ang anak mo’t ikaw pawang malalagim

sa daguk ng lubhang dahas ng hilahil.

Ang Watawat ng Pilipinas

The Philippine National Flag made its first public appearance at General Aguinaldo's declaration of independence from Spain. Prior to this flag, there were several Katipunan flags and war banners and some of the revolutionary generals had their own flags, some of which stand some similarity to the present national flag. The Philippine flag was banned at certain times during the US and Japanese occupation. The exact specifications of the flag were placed down in 1936 although the blue used in the flag has long been an issue of debate amongst historians. The blue was changed to royal blue in 1998 as a compromise to the argument regarding the use of a Cuban blue, American (or navy) blue and sky blue used in previous flags.


While in forced exile abroad, one of the first tasks of the founding fathers of the aspiring new nation was the preparation of the symbols of state - a new flag and a new Philippine National anthem. They decided to have a new common flag to use in another attempt at independence. This new flag would not have the stigma of disunity of the previous war standards, and it would symbolize the common aspirations for freedom.

The design of the new flag was decided by General Emilio Aguinaldo and the other leaders after a great deal of discussion and study. The sketch was submitted to Mrs. Marcela Mariño de Agoncillo, who was living with her husband Don Felipe Agoncillo at No. 535 Morrison Hill Road, Hong Kong, where the other exiles lived. This patriotic woman was requested by General Aguinaldo to make the flag because of her skill in sewing, which she acquired from her hometown of Lipa, Batangas and her student days at the Colegio de Santa Catalina, Manila.

two equal horizontal bands of blue (top) and red with a white equilateral triangle based on the hoist side; in the center of the triangle is a yellow sun with eight primary rays (each containing three individual rays) and in each corner of the triangle is a small yellow five-pointed star.


EVOLUTION OF THE PHILIPPINE FLAG
The Katipunan (1892 - 1897)

The First KKK (Kataastaasan at Kagalanggalang Katipunan ng Mga Anak ng Bayan--The Highest and Most Honorable Society of the Sons of the Nation) Flag (1892) With the establishment of the Katipunan, Andres Bonifacio requested his wife, Gregoria de Jesus, and with the help of Benita Rodriguez to create a flag for the society. De Jesus created a simple red flag bearing the society's acronym, KKK, in white and arranged horizontally at the center of a rectangular piece of red cloth (locally called "kundiman"). The color red represents the blood and courage of the Katipuneros who stood ready to fight for freedom and shed their blood if need be. This was the flag which was developed during the "First Cry of Nationhood" at the district of North Manila in August 1896. This was the first official flag of the society.



Early Katipunan One-K Flag. In some areas, only one while letter K was positioned on a rectangular piece of red cloth.



The Second Katipunan Flag (1892). Some members of the Katipunan used other variations. A red flag with the three white letter Ks arranged in an equilateral triangle, a shape prominent in Philippine revolutionary imagery, at the center of the rectangular field.



Andres Bonifacio's Flag (1892). Andres Bonifacio “the father of katipunan”, had a personal flag which represents a white sun with an indefinite number of rays on a field of red. Below the sun are three white Ks arranged horizontally. This flag was first shown on August 23, 1896 during the Cry of Pugadlawin where the Katipuneros gather tore their cedulas (poll tax certificates) in rebelliousness of Spanish authority. The flag was used later during the Battle of San Juan del Monte on August 30, 1896, the first major battle of the Philippine Revolution. This was also used by the war camp of Bonifacio, the "Great Plebeian" ("Dakilang Anak Pawis").




Katipunan 1st Degree Flag (1892). A red flag with one white letter K at the center of the field, crossed by a native sword ("tabak") pointing downwards and a small skull above the letter K. This was accepted to rally the Katipuneros belonging to the lowest rank or grade.



Katipunan 2nd Degree Flag(1892). A red flag similar to the 1st degree design, but with two K's and no skull symbol. This was supposed to rally the middle ranks of the Katipuneros.



Katipunan 3rd Degree Flag(1892). A red flag, again, with three K's and sword sign, for the highest ranks of the society.




War Camp of Katipuneros of Malibay, Pasay(1896). This battle flag had the Masonic triangle on the left, with the Malibay Katipunero description over a red field.

The Revolutionary Government (1897 - 1899)




Pio del Pilar's Rising Sun Flag(1896). A red flag with a white triangle on the left side, became famous through General Pio del Pilar of San Pedro de Makati (the hero of Makati and one of the most trusted generals of Emilio Aguinaldo), who used it up to the Pact of Biak-na-Bato. The triangular strip at the left side led the national flag design. At each of the angles of the triangle was a letter K. The rising sun in the middle had eight rays representing the first eight united provinces that were placed under martial law by the Spanish colonial government for rising up in rebellion namely, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Manila, Cavite, Laguna and Batangas. The flag was called Bandila ng Matagumpay (The Flag of the Victorious) and was first used on July 11, 1895. The flag was also one of the first to illustrate an eight-rayed sun.



General Mariano Llanera's battle Skull Flag(1896). General Mariano Llanera who fought in the provinces of Bulacan, Tarlac, Pampanga, and Nueva Ecija used a dull-looking black flag, with the single white letter K and the skull and crossbones symbol. The black color of the flag was inspired by the hood worn during the secret initiation rites of the first degree Katipuneros. The flag was for the camp of General Mariano Llanera of Cabiao, Nueva Ecija, who earned for himself a reputation as a brave and reckless fighter. "Let us fight to the finish," was one of his favorite remarks. Owing more to Freemasonry than to traditional Katipunero imagery. This flag looked like the pirates' banner in the Caribbean. It is said that Andres Bonifacio made fun of this flag, calling it Bungo ni Llanera or Llanera's skull.



The Aguinaldo-Magdalo Flag (August 30, 1896). When the revolution heated up, the Magdiwang group of the Katipunan, which operated in Cavite under Gen. Santiago Alvarez, adopted a flag consisting of a red flag with the character at the centre of the flag is a K in an ancient Filipino alphabet or alibata script in white placed at the center of a sun with eight pointed rays, again representing the Katipunan and the eight revolutionary provinces in Luzon that pledged its support to fight under Aguinaldo’s banner and to start the Philippine revolution. This was the flag adopted by General Emilio Aguinaldo for his Magdalo group at Kawit, Cavite on August 30, 1896. General Aguinaldo referred to this flag in his proclamation of October 31, 1896: "Filipino people!! The hour has arrived to shed blood for the conquest of our liberty. Assemble and follow the flag of the Revolution - it stands for Liberty, Equality and Fraternity." Due to the popularity of General Aguinaldo, it was used by the revolutionary forces until December 30, 1897 when it was hauled down from the flagstaff at Biak-na-Bato, signifying the end of warfare with Spain after the peace agreement. This flag became the first official banner of the revolutionary forces and was blessed in a crowd celebrated at Imus.



The Magdalo faction of the Katipunan, which also operated in Cavite under Gen. Emilio Aguinaldo, used a flag alike to the Magdiwang faction's. It features a white sun with a red baybayin letter ka.
This symbol has recently been revived by a breakaway group of army officers calling themselves the Magdalo Group. These officers rebelled against the government of Gloria Macapagal-Arroyo at the command of Senator Gregorio Honasan.


The First Republic (1899 - 1901)



Gregorio del Pilar's Tricolor Flag(1897). The first Filipino tricolor. A flag almost alike to the present National Flag was used by General Gregorio del Pilar, "boy hero of the Battle of Tirad Pass” and “The Young General of the Katipunan.” The upper red stripe stood for the Katipunan color; the lover black was motivated by General Llanera's flag; and the blue triangle at the left indicates comradeship with the revolutionary flag of Cuba, another colony of Spain which was also in revolt and like the Philippines, it was in a state of revolution for independence from Spain. The flag took its last stand against the Americans in Tirad Pass, Ilocos Sur, defending the retreating armies of Aguinaldo.




"Sun of Liberty Flag" (March 17, 1897). The first official flag of the revolutionary government of General Emilio Aguinaldo. The first Filipino national flag. A red flag with a white sun of eight rays, symbolizing the search for liberty. This was adopted by the revolutionary leaders at their assembly in Naic, Cavite on March 17, 1897. It was a transformed version of the Aguinaldo-Magdalo flag, with a mythological sun at the center.
The last revolutionary flag represented the desires for independence of the Filipino nation as a whole, rather than the Katipunan society alone, for the sun (nation) had replaced the KKK as the center of their sign. It was raised and waved during some of the bloodiest days of the revolution, but unfortunately, it did not last long. The flag served as the national flag and was used for less than a year because the Filipinos signed a truce with Spanish authorities (Pact of Biak-na-Bato) on December 14 to 15, 1897.
On December 27, 1897, the first phase of the Philippine Revolution ended with the signing of the Pact of Biak-na-Bato between the struggling Spanish colonial government and the poorly armed and unsalaried volunteer army of Katipuneros. The truce ushered in a period of false peace before another storm was released in the land.
The leaders of the Katipunan decided to fight under Aguinaldo’s banner. Aside from being formally educated, Aguinaldo was winning his battles while Bonifacio was struck by a number of losses. For this same reason, Aguinaldo’s flag was said to have become the basis for the design of the new flag of the revolutionary government – the Sun of Liberty. This same revolutionary government was responsible for ordering the execution of Andres Bonifacio. Bonificio was charged with treason for provocative rebellion against the new government. The flag was approved on March 17, 1897 in Naic, Cavite.



"The Sun and the Stars." The second phase of the Philippine revolution (1898-1902) began the hopes for creating the first Philippine republic. And one of the first tasks of the founders who were exiled abroad is to produce the flag and a new anthem, the symbols of a state.
The Philippine national flag was designed by Emilio Aguinaldo during his exile in Hong Kong. The flag was sewn at 535 Morrison Hill, Hong Kong by Mrs. Marcela Mariño Agoncillo - wife of the first Filipino diplomat, Felipe Agoncillo, because of her sewing skills with the help of her daughter Lorenza and Mrs. Delfina Herbosa de Natividad, niece of Dr. Jose P. Rizal and wife of General Salvador Natividad, they skillfully sewed what was later to be known as "The Sun and the Stars."
The flag was completed within five days and handed over to Emilio Aguinaldo before he returned to the Philippines. The flag was unfurled for the first time on the balcony of Emilio Aguinaldo's home in Cavite on June 12, 1898 in proclamation of independence from Spain. This flag was used June 12, 1898 - April 1, 1901 and had the same red and blue as found on the Cuban flag. The flag was flown with the red stripe on top during the Philippine-American war.
The flag's design spoke of the Filipinos' sprit and their deep longing for the country. A white triangle on the flag stood for equality; the upper stripe of dark blue for peace, truth and justice, the lower stripe of red for patriotism and courage, the sunburst of eight rays representing the first eight provinces that took up arms against Spain and the three stars symbolizing Luzon, the Visayas and Mindanao.

For the period of the US military government in the Philippines, there was an unwritten ban on the Philippine flag and use of the national colors. Once a civil government was recognized, the unwritten ban was relaxed. However, due to the patriotic nature of Filipinos and their use and display of their flag and the national colors, and several incidents related to their patriotism, the Flag Law was passed. The Flag Law or Act No.1696 (An act to prohibit the display of flags, banners, emblems, or devices used in the Philippine islands for the purpose of rebellion or insurrection against the authorities of the United States and the display of Katipunan flags, banners, emblems, or devices and for other purposes) was passed on September 6, 1907. The US flag was used as the official flag of the Philippines 1898-1946.

There were numerous attempts to abolish the Flag Law and finally on October 22, 1919, Act No. 2871 was passed abolishing the Flag Law. On October 24, 1919 Proclamation No. 19 was issued establishing October 30, 1919, as a public holiday to be known as Flag Day. However, the Philippine flag now had the American red and blue, rather than the Cuban red and blue. This flag was adopted as the official flag of the Philippines on March 26, 1920, by Act No. 2928.




On March 25, 1936, President Manuel Quezon issued Executive Order No. 23 which restricted the official description and specifications of the Philippine flag. This flag was used when the Philippines was granted independence in 1946 and until 1981 and then again in 1986 until 1998.
The Philippine flag was banned again in 1942 when the Japanese attacked in World War II. The Japanese flag was used until the Japanese-sponsored Second Republic of the Philippines was established in 1943. The flag ban was lifted and the Philippine flag from the 1936 specifications became official once again.
The flag was flown in its wartime state by the Commonwealth de jure government 1941-1945 and by the Japanese-sponsored Second Republic de facto government 1944-1945. The Commonwealth was at war against the axis forces while the Second Republic was at war against the associated forces.



In 1981, President Ferdinand Marcos ordered the colors of the Philippine flag be changed back to the original Cuban colors. Allegedly, the flag factories did not have a Cuban blue so a sky blue was used instead. This color design was abolished and the previous colors from 1936 were restored in 1986, after President Marcos fled to Hawaii.




Due to much debate amongst historians at to which type of blue was correct, the blue was changed to royal blue as a agreement by Republic Act No. 8491 which was passed on February 12, 1998. This is the current version of the Philippine National Flag.


Explanation of the Flag
top

Each part of the Philippine flag has a specific meaning as follows:

The blue field stands for common unity and the noble desires of the Filipino people.
The white triangle with equal sides of the flag is symbolic of equality among men.
The white field stands for purity.
The sun stands for the gigantic strides that have been made by the Sons of the land on the road to progress and civilization.
The eight rays of the sun in the triangle represent the first eight united provinces that revolted for independence - Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga and Tarlac.
The three stars in the triangle stand for the three major geographical divisions of the country which are Luzon, Visayas and Mindanao.
The red field symbolizes the eagerness of the Filipino people to shed blood in defense for their country.

Praymer ng PILIPINISMO

PAGBABALIK KASAYSAYAN

Ang una rito ay ang Kalayaang Pampulitika. Tumbok talaga nito ang kadahilanan ng ating paghihirap. Hindi pa tayo malaya mula sa kontrol ng mga dayuhang kapangyarihan. Hawak pa rin nila ang ating pamahalaan na animo ay instrumento lamang sa kanilang mga kamay upang protektahan at paunlarin ang kanilang sariling pambansang interes.

Bunga ng pagkakahawak sa atin ng dayuhan, hindi rin malaya ang pagpili natin ng mga taong uugit sa ating pamahalaan. Ang pulitika nati'y personalista hindi politika ng prinsipiyo.

Ang pangalawang pundamental na adhikain ay Katubusang Pangkabuhayan. Mahalaga sa atin ito dahil ang pangunahing suliranin natin ay ang kontrol ng dayuhang Amerikano, Intsik, Hapon, Australiano, Ingles at iba pa sa ating kabuhayan. Kailangang mapasakamay ng mga Pilipino ito. Ang Pilipinismo ay magiging instrumento sa pagbabalik sa kamay ng mga Pilipino ng kanilang kabuhayan sampu ng kanilang likas na kayamanan at kayamanang pangtao.

Ang pangatlong pundamental na adhikain ay Panlipunang Pagkakasundo o Pagkakaisa. Maaari lamang magkaroon ng tunay na kapayapaan bunga ng pagkakasundo kung may kalayaan at katarungan para sa Sambayanang Pilipino. Kasama sa pagtalakay dito ang katarungang panlipunan at ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa harap ng batas at sa oportunidad upang umunlad at mabuhay nang matiwasay at masagana.

KATANGIAN NG PILIPINISMO

Ang Pilipinismo'y ang kaisipang magbubuklod sa atin bilang isang bansa, maghihiwalay sa interes natin at ng dayuhan, magtutulak at magbubunsod sa atin upang kumilos, magpunyagi, lumaban at magsakripisyo upang makamit natin ang mga pundamental na adhikain natin, ang kalayaang Pampulitika, Katubusang Pangkabuhayan at Panlipunang Pagkakasundo.

Ang Pilipinismo ay bunga ng ating pakikibaka simula pa noong dumating ang mga kastila. Sa tatlong daang taon ng pananakop halos isang daan ang mga pag-aalsa natin laban sa Kastila.

Ang Pilipinismo ay isang puwersang nabubuo laban sa paninikil, pagsasamantala at pananakop ng sinumang dayuhan sa ating bansa. Kahit na matatalino ang mga Pilipino, ang kanilang katalinuhan ay hindi natutuon sa pagpapalaya ng kanilang sariling bansa kundi sa kanilang mga personal na interes. Layunin ng Pilipinismo na linangin ang pagkakaroon ng maraming Pilipinong may malasakit, pakikisangkot at komitment sa interes ng kabuuan at hindi lamang pansariling interes na madaling kasangkapanin ng mga dayuhan laban sa pambansang interes ng mga Pilipino.

PARTIKULAR NA LAYUNIN NG PILIPINISMO

Ang nararapat na oryentasyon ng anumang ideolohiya na naglalayong maging siyang ideolohiya ng mga Pilipino at para sa mga Pilipino ay ang tunay na pagkamakabayan, ang ganap na esensiya ng pagiging isang bansa. Sa kasamaang palad, ang umiral na ideolohiya ng 'nasyonalismo' dito sa Pilipinas ay naging bihag ng mga dayuhang interes at pag-iisip lalung-lalo na ng imperyalistang Amerikano at ng dalawang Partido Komunistang maka-Ruso at maka-Tsino. Ang katubusan at kaunlarang pambansa ay lagi na lang isinasabit sa pagkiling sa alin man sa kanila. Ang 'nasyonalismong' ipinangangalandakan ng bawa't isa ay mapanghati at hindi mapagkaisa.

Kailangang hubugin at buuing muli ang kilusang makabayan, palayain mula sa kamay ng mga dayuhan at dayuhang kaisipan at itatag ang isang panibagong kilusang ginagabayan ng Pilipinismo, isang malaya at demokratikong kilusang mangingibabaw sa makitid na pananaw ng mga partidong pampulitika.

Ang Pilipinismo ay bunga ng isang daang pag-aalsa laban sa Kastila at ng Rebulusyong 1896. Nagkaroon ito ng malinaw na porma at kaanyuan sa kamay ni Rizal, del Pilar, Bonifacio, Jacinto at Mabini at iba pang bayani na nagbuo at nagbalangkas ng ating kabansaan.

Nalugmok ang Pilipinismo pagdating ng kano at ang patuloy na paglalahad at pagsasabuhay dito sa publiko ay isinagawa ng mga lider Pilipino katulad nila Recto at Laurel. Isinabuhay din ito nina Diokno, Lichauco, Tañada at Constantino. Si Tañada sa bandang huli ay naging kiling sa kaliwa na nakahanay sa CPP, samantalang si Constantino ay tahasang gumamit ng Marxismo sa pagsusuri ng lipunan at naging higit na malapit sa pulitika ng liberal na paksiyon ng mga Marxista.

Nasapawan ang pag-unlad ng Pilipinismo ng paglakas ng kilusang komunista mula noong 50's hanggang sa panahon ni Marcos na kung kailan ang mga puwersang sumusuporta sa gobyerno ay nagsimulang bumanggit ng mga prinsipyo ng Pilipinismo sa pamamagitan ng Kaisipang Pilipino. Maging ang mga ideolog ng Reform the Armed Forces of the Philippines Movement o RAM na nagrebelde laban kay Marcos ay gumamit din ng Kaisipang Pilipino batay sa kanilang guidebook, Crossroads to Reform. Sa partikular, ay ginamit ng RAM ang prinsipyo ng Demokratikong Rebolusyon mula sa Gitna upang pumalaot sa proseso ng pampulitikang pagbabago sa bansa. Ang Rebolusyong EDSA ay matingkad na ehemplo kung papaanong ang esensiya ng Pilipinismo ay lumalagpas sa interes ng iisang partido.

Sa pamamagitan ng Kaisipang Pilipino, nagkaugat ang Pilipinismo sa hanay ng mga empleyado ng pamahalaan at mga kasapi ng barangay. Sa isang banda naman, maging si Cory Aquino noong kumakampanya pa lamang siya para sa pagkapangulo ay gumamit ng mga islogang batay sa Pilipinismo na ginagamit din ng Kaisipang Pilipino : Maka-Diyos, Makabayan at Makatao. Pati na ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ay nagsimulang bumagay sa Pilipinismo sa kanilang programa. Ang kanilang demokratikong sosyalismo ay ginawa nilang Demokratikong Sosyalismong Pilipino. Maging ang muling pinag-isang Nationalista Party ng 1989 ay may programang Pilipinismo na nakabatay sa mga kaisipan nila Dr. Jose Laurel,Sr. at Claro M. Recto. Maging ang taktikal na programa ng CPP, ang pambansang demokratikong rebolusyon, ay pagkilala at pagsasamantala lamang sa pro-Pilipinismong tendensiya ng mga mamamayan. Sa katunayan, ang magiging pinakamalaking problema ng CPP ay kung papaano nila babasagin ang tinatawag nilang "makitid na nasyonalismo" ng Pilipinismo.

Samakatuwid, kinakatawan ng Pilipinismo ngayon ang pinakamataas na antas at pinakamalawak na pag-unlad ng kaisipang makabayan at maka-Pilipino na ganap na pinalaya sa kamay ng mga dayuhang makapangyarihan. Ang Pilipinismo ngayon ang may kakayahang sumagupa sa Komunismo at Imperyalismo na kapwa dayuhang ideolohiya. Para sa komunista, ang kanilang ideolohiya at partido lamang ang dapat umiral, habang para sa isang naghaharing imperyalista naman ang pagkakaroon ng marami at mapaghating ideolohiya at partido sa isang bayan ay pabor sa pagmimintina nila ng kanilang kapangyarihan dito. Ang Pilipinismo ay kumikilala sa ganap na demokrasya na kung saan hindi iisang partido lamang ang may laya at karapatan. Katulad ng nakagisnan sa Rebolusyong 1896, ang bandila ng Pilipinismo ay hindi pag-aari ng iisang partido o paksyon lamang. Matatandaan na nang magsimulang umiral ang paksyonalismo sa pagitan nila Bonifacio at Aguinaldo sampu ng iba pa, ang Pilipinismo ay nagsimulang mawalan ng buwelo at humina sa harap ng bagong dayuhang mananalakay.

Sa punto ng pagiging orihinal, batayan sa kasaysayan, pagiging tunay na Pilipino, pagtanggap ng tao at katumpakan sa pag-aanalisa sa kalagayan ng ating bansa, ang Pilipinismo ang pinakasuperyor sa lahat ng mga ideolohiyang nagtutunggali ngayon sa lipunang Pilipino. Ang Pilipinismo ang pinakamapagkaisa sa malawak na hanay ng mga mamamayan.

Ang Pilipinismo ay nakaugat ng malalim sa proseso ng pagkatatag ng Kabansaang Pilipino noong 1896 at nang unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Kahit na hindi nakumpleto, ito ang kauna-unahan, tunay na ekspresyon ng Nasyonalismong Pilipino sa panahon na iyon. Ito ay isang maikling panahon ng pambansang kadakilaan nang mahigitan natin ang lahat ng mga sakop na bansa sa Asya at Aprika sa pakikibaka laban sa kolonyalismo.

Upang hubugin ang lipunang batay sa Pilipinismo ay kailangang matukoy ang mga kamalian sa nakaraan at iwasto kaagad. Kung hindi, ang kilusang makabayan ay magpapatuloy na mabuway at bihag ng mga dayuhan laban sa ating tunay na pambansang interes.

MULA SA NASYONALISMO TUNGO SA PILIPINISMO

Ang Rebolusyong 1896 ay hindi nagkaroon ng pagkakataong magkabunga dahil sa pagdating ng isang bagong uri ng kolonyalismong salig sa kapitalistang sistema ng ekonomiya na mas maunlad sa kolonyalistang Kastila na salig sa piyudalismong sistema ng ekonomiya. Ito ang neokolonyalismong Amerikano o imperyalismong Amerikano. Ngunit bago nangyari ito nailatag ang pundasyon ng ating kabansaan at ideolohiya ng Pilipinismo. Ito ang di-mapapasinungalingang pruweba na mayroon tayong sariling ideolohiya. Sapagkat kung may bansang Pilipino na nabuo tiyak na mayroong ideolohiyang gumabay dito sampu ng mga pag-aalsa na naging malawak na pambansang himagsikan noong 1896. Ang pag-iral ng isangbansa'y kondisyon para sa pag-iral ng isang ideolohiya.

Sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano, sinikap ni Mabini na panatilihing buhay ang Pilipinismo. Ito ang gumabay at nagbunsod sa Rebolusyong Pilipino laban sa Amerikano na sana'y nagpatuloy sa isang gerilyang pamamaraan batay sa ideya ni Gen. Antonio Luna. Ang Pilipinas ang unang Biyetnam sa Asya na kung saan maraming pinaslang na mga Pilipino ang mananakop na mga Amerikano.

Ipinagpatuloy ni Recto ang tradisyong sinimulan ni Mabini pagkatapos ng halalan noong 1946. Ngunit naging malinaw lang sa kanya ang Pilipinismo noong 1950 hanggang 1962 noong mamatay siya. Ang pagkakamali ni Recto'y pagdepende niya sa kanyang personal na prestihiyo at hindi ang pagbubuo ng isang kilusang pangmasa na may pambansang saklaw na abot ang iba't-ibang sektor ng lipunan pati na ang pinakamahirap. Ang kanyang kakulangan at kahinaan ay ang kawalan niya ng pleksibilidad sa taktika bilang isang pulitiko at ang kanyang pagiging aristokrata dahil sa pagiging intelektual at uri niyang pinanggalingan na sadyang malayo sa masa.

Kahimat ang Rebolusyong 1896 at Republika ng Malolos ay hindi nakontrol ng mga dayuhan, nawala ang kanyang pangmasa at Pilipinistang karakter nang mapasakamay ng mga ilustrado sa pamumuno ni Aguinaldo ang rebolusyon ng masa na nagsimula sa ilalim ni Bonifacio. Ito ang nagpabilis sa pagkalaglag sa kamay ng Kano ng Rebolusyon sampu ng hukbo ni Aguinaldo. Ang mabuway na karakter ng mga ilustrado na madaling magpagamit sa dayuhan ay lumitaw sa mga umusbong na kilusang "makabayan."

DALAWANG SALIK NA ELEMENTO NG PILIPINISMO

Ang dalawang salik na elemento ng Pilipinismo ay ang pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawa para sa kanilang demokratikong karapatan at kagalingang pang-ekonomiko sa isang banda at ang pakikibaka ng panggitnang uri ng mga Pilipino laban sa kolonyalismo at neokolonyalismo dahilan sa paghahangad nilang umunlad ang kanilang negosyo at mapatatag ang pundasyon ng kanilang kabuhayan sa bansa.

Maaari sanang magkaisa ang dalawang panig na ito ngunit lagi nang pinagtataksilan ng panggitnang uri ang mga magsasaka at manggagawa sa kanilang pakikipagkompromiso sa mga dayuhan lalung-lalo na sa imperyalistang Amerikano. Sa isang banda naman ay napaniwala ng mga kadre ng kilusang komunistang pumasok sa Pilipinas ang maraming organisadong manggagawa na hindi na kinakailangang maging malaganap ang pribadong negosyo ng mga Pilipino upang maalis ang kontrol ng imperyalismo sa bansa. Ang hidwaang ito ang materyal na batayan ng hindi pagkasundo-sundo sa lipunang Pilipino.

PILIPINISMO: ANG ALTERNATIBONG REBOLUSYON NA HINDI KOMUNISTA

Ang paninindigang Pilipinismo ay nasa gitna ng pampulitikang ispektrum dahil sa layon nito na pag-isahin ang pinakamalawak na hanay ng mga Pilipino. Bagama't may pagkiling ito sa demokratikong kaliwa dahil sa adhikain nitong alisin ang kontrol ng dayuhan at itayo ang tunay na demokrasya na kung saan ang lalung nakararaming Pilipino na binubuo ng mga magsasaka at manggagawa, makabayang negosyante at propesyonal ang siyang nakapangyayari at may sapat na kinatawan sa Pamahalaan. Kung hangad natin ang pagbabago, hindi tayo kailangang maging komunista upang magpalit lang tayo ng amo at banyagang modelo, mula sa Kano ay Tsino naman o Ruso. Maaalala na maging ang mga dating nasasakupang bayan ng nabuwag na Unyong Sobyet ay nagbabandila ng kanilang partikular na nasyonalismo laban sa mapanakop na "internayonalismo" ng mga Ruso.

Ang pakikibaka ng mga manggagawa at magbubukid ay lagi nang napapasukan ng mga ahente ng dayuhang kapangyarihan na ginagabayan ng dayuhang ideolohiya. Kahimat may bumuo rin ng organisasyong pang-manggagawa at magsasaka sa ilalim ng nasyonalismo, wala silang tagumpay na nakamit sa harap ng mas komited, mas mahusay at mas militanteng kadre ng komunista. Kayat tungkulin nga ng Pilipinismo ngayon ang bumuo ng kadre at aktibista na kayang higitan ang komitment at kahusayan sa pag-oorganisa at militansiya ang mga komunista. Bukod pa rito sadyang walang naglalatag ng isang malinaw na alternatibong ideolohiya o programa ng pamahalaan maliban sa mga komunista. Umabot sa isang kalagayan na masasabi nga na walang ibang masusulingan ang mga manggagawa at magbubukid liban sa komunismo dahil nagtagumpay itong huli na masarili ang pagtatanim ng mga "rebolusyonaryong" ideya sa lipunan.

Ang pangunahing kamalian ng mga organisador ng mga prenteng "makabayang" samahan ay ang kanilang kolonyal na kaisipan na ang Pilipinismo'y sadyang mababa kung ihahambing sa komunismo na para sa kanila'y siyang tanging may kakayahang maglinang ng komitment at dedikasyon para sa bayan sa panig ng mga organisador, kadre at kasapi. Ginagawa lamang palamuti at pang-akit ang "nasyonalismo" upang magturo ng komunismo na magdidiin sa higit kahalagahan ng internasyonalismong komunista kaysa Pilipinismo.

Ang komunismo ay nagbabandila ng sarili bilang "makabayan". Ang Imperyalismo naman ay naibabandila ang sarili bilang tunay na "demokrasya". Kailangang mapangimbabawan ng Pilipinismo ang dalawang malaking puwersang ito sa pamamagitan ng pagbabandila nito ng tunay na pagkamakabayan at tunay na demokrasya. Kaya't ang Pilipinismo ay maituturing na rebolusyonaryo at siyang tanging nalalabing alternatibo sa komunismo na pang-akit sa malawak na masa ng Sambayanang Pilipino. Ito lamang ang ideolohiyang makakapigil sa pagpasok ng mga ahente ng dayuhang ideolohiya sapagkat may kakayahan itong maglinang ng komitment, magpalalim ng pagkagagap ng ideolohiya at magsanay ng mga mahusay na mga kadre.

Sa pamamagitan ng Pilipinismo kailangan nating ipakilala ang tunay na nagtatanggol at nagpapaunlad sa pambansang interes ng mga Pilipino upang maiwasan ang pag-ulit ng kasaysayan. Ang kasaysayan ng kataksilan at pagkakanulo sa interes ng masang Pilipino. Kailangang magkaroon ng kahulugan at sustansiya ang Pilipinismo sa pamamagitan ng isang natural at malayang kilusan at isang Rebolusyong kultural, pulitikal, moral at ispirituwal. Ngayon na ang panahon upang iproklama natin ang Pilipinismo bilang ideolohiya ng mga Pilipino anuman ang partidong kinasasapian nila, upang una'y mapalaya ang bayan sa kamay ng dayuhan at pangalawa'y magkaroon ng tunay na demokrasya, katarungan at kaunlaran sa pamamagitan ng isang panlipunang pagpapalaya. Ang Demokrasyang Pilipino ng Pilipinismo ay dapat kakitaan ng bagong tipo ng pulitika na kung saan ang paligsahan ng mga partido ay pagalingan sa pagsasabuhay ng Pilipinismo.

BAKIT ISANG REBOLUSYON ANG KAILANGAN?
BAKIT REBOLUSYONG PILIPINISMO?

Kailangan natin ang isang Rebolusyong kultural, pulitikal, moral at ispirituwal.Tanging isang Rebolusyon lamang ang makasasagip sa Pilipinas mula sa ganap na pagkakalugmok at pagkakaduhagi. Kailangan natin ang ganap na pagbabago sa ating mga balyus at sa balangkas ng kapangyarihang pampulitika.

Sulong sa kadakilaan! Ganito dapat katayog ang ating panawagan para sa lahat ng mga tunay na Pilipino dahil ganoon naman kalalim at kababa ang kinasadlakan nating kumunoy ng kasawian. Inabot na natin ang sagad sa buto na pagkaduhaging ispirituwal at moral na tanging isang rebolusyonaryong pagsisikap ang makaaahon sa atin paitaas.

Ang lipunang Pilipino ngayon ay isang kalunos-lunos na pangitain. Nakakasuka sa sinumang disenteng Pilipino na may takot sa Diyos at mapagmahal sa bayan. Higit sa ating kawalan sa mga materyal na bagay ay ating kasalatan sa diwa at ispiritu ng pagmamahal sa bayan. Madalas nating ipagkamali na ang kasalatan natin sa ispiritu ay bunga ng kawalan sa materyal na bagay. Kaya nga lagi na lamang binibigyan ng dahilan ang pangangailangan pangkasalukuyan ang bawat katiwalian, bawat kataksilan, kawalan ng katapatan. Ang tanging ideolohiyang umiiral na lamang ay "ideolohiya ng sikmura". Gumagapang tayong parang ahas dahil wala tayong sapat na tapang upang tumayo, magtrabaho, lumaban at makibaka para sa Pambansang interes.

Kailangan natin and ispirituwalidad na dulot ng ideolohiya ng Pilipinismo, dahil para tayong nasa kumunoy. Habang gumagalaw tayong naghahanap ng purong pangkabuhayang solusyon, lalo lamang tayong lumulubog. Sa pamamagitan lamang ng pagsisingkaw sa kolektibong kaisipan maaari tayong hilahing pataas upang makaahon mula sa kumunoy. Dapat nating malaman na ang mga suliranin nating pangkabuhayan ay nakaugat sa kawalan natin ng ideolohiya, pagkakaisa, tiyaga at pagpupunyagi sa ating mga gawaing pangkabuhayan. Kayat tinatalo tayo ng switik na dayuhan. Handa nating ibenta ang ating kapwa Pilipino dahil sa lagay ng dayuhan. Kulang tayo ng gulang upang makita natin kung paano tayo dinadaya at pinagsasamantalahan ng mga dayuhan.

Kawawa talaga ang bansang punong-puno ng mga paniniwala ngunit walang iisang pananampalataya. Kalunos-lunos naman ang bansang nahahati sa mga paksiyon at ang bawat paksyon ay nag-iisip na siya ay isang hiwalay na "bansa" na may sariling pananampalataya at handang mamatay at pumatay ng kapwa Pilipino sa ngalan ng mga dayuhang ideolohiya at interes.

Kailangang maiangat ang ideolohiya ng Pilipinismo sa antas ng pananampalataya upang mapakilos ang mga tao sa isang Kilusan at makapaglunsad sila ng isang Rebolusyon . Sa gitna ng napakaraming mga ideolohiya sa atin, hindi na natin matiyak sa mga Pilipino kung ano ang dapat na gawin. Paano mo nga naman ipagtatanggol at pauunlarin ang isang bagay na hindi mo nalalaman. Paano ka magkokomit kung hindi mo alam kung para kanino ka dapat kumilos at kaninong interes. Ito ang krisis ng ideolohiya na dapat maresolba ngayon sa pamamagitan ng Pilipinismo.

PAGIGING PILIPINO UNA SA LAHAT

Sa grupong nagpapatayan ngayon dapat silang paalalahanan na una sa lahat sila ay mga Pilipino. Kahit na Komunista ka, Sosyalista, Kapitalista, Demokrata, Katoliko, Protestante, INK, Iglesia Filipina, Independiente o anupaman. IKAW, AKO, TAYO'Y PILIPINO HIGIT SA LAHAT. Bago tayo Lakas-NUCD, LAMMP, KAMPI,Liberal, Nacionalista, Partido ng Demokaratikong Reporma, PDP-LABAN, MNLF, MILF, Partido Komunista ng Pilipinas at iba pa, tayo ay mga Pilipino. Dito natin kailangang malaman kung sino ang Pilipino at ano dapat ang kanyang ideolohiya. Ito'y dapat na mahigpit na nakaugnay sa ating patuloy na pag-iral bilang isang Bansa. Kailangang maging malinaw ito upang makapagmobilisa sa tao na nakakaunawa sa karumal-dumal na kalagayan ng bansa na nangangailangan ng mapagpasiyang pagkilos.

BAKIT KAILANGAN ANG KOMITMENT?

Sinasabi natin na mayroon na tayong ideolohiya, isang ideolohiya ng Pilipino na matagal ng natukoy bilang Pilipinismo. Bakit kailangan pa nating linangin ito lalung-lalo ang mahalagang sangkap ng Komitment sa mga Pundamental na Balyus o Pagpapahalaga.

Sapagkat pagkatapos ng pagkakatayo ng Republika sa Malolos dumating ang isang mandarambong. Lumaban tayo ngunit nagapi. Sana ay ganap na napalaya natin ang Pilipinas ngunit nawasak ang patuloy na paglago ng isang ideolohiyang Pilipino simula noong pagdating ng Kano hanggang sa kasalukuyan. Kaya kailangang linangin ang Komitment.

Una, nilinaw natin ang mga pundamental na balyus na dapat nating panindigan. Ipinakita din natin kung ano ang kalagayan ng bansa na dapat magbunsod sa atin upang kumilos. Nabatid natin na malapit nang mawasak ang ating lipunan at maging ganap na tayong alipin ng mga Kano, Intsik, Hapon, Australyano at iba pa. Kailangan natin ng sapat na bilang ng mga Pilipinong may komitment sa Pilipinismo upang makabuo ng isang Malaya at Demokratikong Kilusan na siyang magtataguyod ng isang Rebolusyon.

Hindi na pinag-uusapan ang ideolohiya sa Hapon, Amerika, Alemanya at iba pa dahil; una, ganap na silang malaya, pangalawa, ginagamit na nila ito upang maging maunlad na bansa.

TUNGUHIN NG PILIPINISMO SA ATING PAMBANSANG BUHAY

1. Itinuturo ng ating pambansang interes bilang mga Pilipino na lahat ng ating ispirituwal, moral, intelektuwal, likas, pisikal at makataong kayamanan ay pag-aari ng Pilipino lamang at hindi ng sinupaman. Ang kayamanang ito ay dapat gamitin lamang para sustenahin, maintindihan at paunlarin ang Sambayanang Pilipino. Ang kayamanang ito ay dapat na nasa kumpletong kontrol, pag-aari at superbisyon ng mga Pilipino, mga tunay na Pilipino.

2. Ang isang Pilipino ay ipinanganak dito o pinili niyang tumira rito ngunit siya ay nanumpa nang walang kamatayan sa Bansa, sa kanyang ideolohiya ng Pilipinismo, at magtatrabaho, mabubuhay, lalaban at mamamatay para sa pambansang interes.

Maraming mga dayuhan ang nakakuha ng pagka "mamamayang Pilipino". Pero ito'y "fake" o peke lamang at nakuha sa panunuhol sa gobyerno. Kailangan nating labanan ang mga dayuhang ito na nagsasamantala sa karapatan ng Pilipino ngunit sinasabotahe ang ekonomiya natin.

3. Ang Pilipino ang siyang dapat na maghari sa kanyang bayan sa lahat ng aspeto ng kanyang pambansang buhay. Ngayon siya ay alipin sa sariling bayan, 'iskwater sa sariling bayan", walang sariling lupa samantalang pag-aari ng mga dayuhan ang lahat ng magagandang lupain at puwesto sa mga lunsod at kanayunan. Ang Pilipino ay taga-igib ng tubig at tagasibak ng kahoy sa sariling bayan, mga utusan, tsuper, hardinero, security guards at marami pang mabababa at di-makataong bagay o papel na ginagawa sa atin ng mga dayuhan.

4. Ang Pilipino ay may ideolohiya, ang ideolohiya ng Pilipinismo na bunga ng ating makasaysayang pakikibaka para sa kalayaan at kabansaan. Wakasan na natin ang kasinungalingan na hindi nating kayang bumuo ng sariling ideolohiya upang mawala sa atin ang mababang pagtingin sa sarili.

Ang pagkakabuo ng Bansang Pilipino noong 1896 ay di mapapasinungalingang patotoo na tayo ay may sariling ideolohiya.

5. Ang mga elemento ng ideolohiya ay nandiyan lahat sa ideolohiya ng Pilipinismo, sa ating kasaysayan, sa ating pilosopiya sa buhay, sa mga sinulat ng ating mga bayani, mga pantas at marurunong, sa mga payak na kasabihan at salawikain ng mga magsasaka at manggagawa, sa ating mga Saligang Batas, sa ating mga batas. Ang mga balyus na nakapaloob sa ating ideolohiya ay siyang temang paulit-ulit na nababanggit sa mahigit na 100 pag-aalsa laban sa Kastila, ng 1896 Rebolusyon at ng pakikibaka natin laban sa mga Amerikano. Kasama ng ating mga layunin, adhikain at mga pangarap, ang mga ito ay nararapat ituring na nanatiling rebolusyonaryo ang tungkulin sapagkat hindi pa tayo malaya at hindi pa isang tunay na demokrasya.

6. Ang pambansang interes ay kailangang nasa ubod ng Pilipinismo. Ang kahulugan nito ay Pilipino ang siyang tanging taga-hawak ng kapangyarihang pampulitika. Kailangan sila rin ang dominanteng puwersang pang-ekonomiya na may kumpletong kontrol,hindi kalahati, ng buong ekonomiya at ang lahat ng sangay nito.

7. Ang Pilipino ang siyang dapat na maghahari sa larangan ng kultura, wika, sining, musika, pintura, siyensiya at teknolohiya, pamamahayag, print, broadcast, movies, cassette at industriya ng musika, kontrol sa publikasyon ng mga libro, magasin at pahayagan, at sa importasyon at eksportasyon ng lahat ng bagay.

8. Ang pambansang interes ay kailangang nasa kamalayan palagi ng lahat ng Pilipino. Kayat maging ang proseso ng lipunan tulad ng paghubog sa karakter, pag-uugali at personalidad, mula sa sinapupunan ng ina hanggang sa libingan ay dapat ipinagdidiinan ang pambansang interes. Kailangan maisingkaw sa sosyalisasyon ang kooperasyon at koordinasyon ng pamilya, simbahan, eskwelahan at gobyerno.

9. Tinitiyak at tinutukoy ng pambansang interes ang teritoryong sakop ng Pilipinas pati na ang karagatan. Gamitin natin at ipatupad ang ating soberanya laban sa sinumang nanghihimasok sa ating teritoryo.

10. Ang soberanya ay mula sa Pilipino at ang lahat ng awtoridad ng pamahalaan ay galing sa kanila. Nasa ubod ng Pilipinismo ang pagkontrol ng mga Pilipino sa "kanilang" Pamahalaan na ngayon ay sakmal ng mga dayuhang interes. Ang poder estado ay kailangang nasa kamay ng Pilipino.

11. Nasa pambansang interes na sa pamamagitan ng Pilipinismo ay pigilan natin ang panunulsol ng mga dayuhang kapangyarihan na ginagabayan ng dayuhang ideolohiya at nagpopondo sa mga grupo ng Pilipino para magpatayan habang sila (dayuhan) ay namimista sa ating likas na kayamanan at kabuhayan. Kaya ayaw na ayaw nilang magkaisa tayo upang labanan sila. Hangad nila ang tayo ay mag-away palagi at sila pa ang tagasuplay ng mga armas. Wakasan na natin itong kalagayang ito sa pamamagitan ng Pilipinismo.

12. Nasa ating pambansang interes, sa ilalim ng Pilipinismo na magkaisa tayo sa isang ideolohiya tungo sa mapayapang pagresolba nang ating salungatan na kadalasan ay likha ng mga dayuhan. Layunin natin na mapigilan at maiwasan ang patayan ng mga magkakapatid na hindi na titigil kapag ang inutang na buhay ay patuloy na sisingilin din ng buhay.

13. Higit sa lahat ang ibig sabihin ng pambansang interes ay interes ng lalung nakararaming mga magsasaka, manggagawa, propesyonal, negosyante, sundalo at hindi ng isang maliit na bahagi ng populasyon na nakikipagsabwatan sa mga dayuhan. Ang masa ng Sambayanang Pilipino ay siyang tumutugon sa pagiging PILIPINO.

14. Itinuturo ng Pilipinismo na may kakayahan ang Pilipino na mamulat kung ano ang kanyang interes bilang isang Bansa, may kakayahang hubugin ang kanyang tadhana sa pamamagitan ng sarili niyang kamay, magtayo ng isang malakas, paunlad at dakilang bansa. Sa pamamagitan lamang ng Pilipinismo magkakaroon ng kaganapan ang panagimpang ang Pilipinas ang siyang susunod na " milagrong pang-ekonomiko " sa Asya.

15. May kakayahan ang mga Pilipino na gamitin ang siyensiya, teknolohiya at iba't-ibang ideya mula sa ibang bansa kung nandiyan ang Pilipinismo bilang pamantayan at ang mga ito ay naglilingkod sa pambansang interes.

16. Sa pamamagitan ng Pilipinismo mabubuo ang isang pangmasang kilusan na siyang magmumulat sa maraming Pilipino upang itaguyod nila ang isang magiting at rebolusyonaryong pagbabago sa ating lipunan upang ito ay maging tunay na Pilipino, malaya, makatarungan at demokratiko. May kakayahan itong bumuo ng mga kinakailangang tagapagtaguyod at kadre ng kilusan sa pamamagitan ng mga malayang inisyatiba sa loob ng iba't ibang mga grupo at partido na nilalahukan ng masa at mamamayang Pilipino.

16.1 Pagpapalaganap ng Pilipinismo sa lahat ng sektor ng lipunan, pagtatalakay nito kaugnay ng mga isyu upang ito ay mapayaman.

16.2 Paggamit sa Pilipinismo bilang solusyon sa ating saligang suliranin kaugnay ng analisis natin ng kasalukuyang kalagayan.

16.3 Pagsasapuso at pagsasakaluluwa ng Pilipinismo upang baguhin natin at hubugin muli ang ating sarili, upang maging tunay at tapat na Pilipino.

PILIPINONG MAKA-DIYOS, MAKA-BAYAN AT MAKA-TAO: SENTRO NG PILIPINISMO

Napapanahon na upang tukuying at tiyakin ang pinakasentro ng Pilipinismo, ang "PILIPINO", upang hindi tayo naghahagilap kung tinatanong tayo ano ba talaga ang "Pilipino" ? Ang PIlipinismo ?

Batid nating ipinangalan tayo sa Hari ng Espanya at noong una ay pangalan ito ng Kastilang Insulares at Peninulares dito sa Pilipinas. "Indiyo" ang tawag sa atin. Pagkatapos ng 1872, ginagamit na ito bilang pangalan ng mga dating Indiyo. Kolonyal ang pinanggalingan ng ating pangalan ngunit katulad ng isang negatibong bagay ang kolonyalismong Kastila nakatulong din sa pagkakabuo ng isang Bansang Pilipino. Kolonyal man ang pinanggalingan ng salitang "Pilipino" bibigyan natin ito ng rebolusyonaryong kahulugan sa ilalim ng ideolohiya ng Pilipinismo.

Ang rebolusyonaryong kahulugan ng "Pilipino" ay mula sa isang dating kolonya, alipin at api at siya ay lalaya at maninindigan bilang isang marangal at dakilang tao. Ito ang layunin ng tunay na Rebolusyong Pilipino na naglalayong magtatag ng Demokrasyang Pilipino na magtatagal habang panahon, hindi bilang isang taktikal na yugto lamang katulad ng konsepto ng Bagong Demokrasya ng mga komunista.

Ang kahalagahan ng angkop na demokrasya na ikaliligaya ng mga mamamayan ay nakita maging sa Tsina at sa mga dating bansang sakop ng dating Unyong Sobyet na dumanas ng mga pag-aalsa para sa demokratikong reporma. Gusto ng mga mamamayan na bigyan sila ng laya na magbuo ng sarili nilang mga organisasyon at magkaroon din ang mga ito ng pantay na karapatan sa harap ng lipunan at pamahalaan. Sa ngayon malayo na ang narating ng kilusang demokratiko sa mga bansang ito at kaalinsabay nito'y tumibay din ang kani-kanilang nasyonalismo. Malinaw sa kanila kung anong bansa sila dapat maging tapat.

Sapat na ang salitang "Pilipino" upang tugunin ang mga tanong na "Ano?', " Bakit?" at "Para kanino?" Mayroon ba tayong anong kalagayan? Isang kalagayang ang Pilipino ay alipin sa sarili niyang bayan. Bakit kailangan tayong kumilos? Kung hindi ay hindi tayo mananatiling buhay. Tayo ay wawasakin at aalipinin sa sariling bayan. Mga estranghero at iskwater sa sariling bayan. Para kanino tayo kikilos? Para sa Pilipino na malinaw na ang kahulugan.

Ang pagiging Pilipino ay nangangailangan na tayo ay may identidad o pagkakinlanlan at kamulatan na di mapapagkamalang hindi Pilipino. Kailangan lamang natin itong pagyamanin at linangin upang maipagmalaki nating bilan isang puwersang magtutulak sa atin tungo sa isang mas mataas na antas ng kahusayang kapantay o higit pa ng mahusay sa mundo.

Ang pagiging Pilipino ay pagkakaroon ng sariling wika, kultura na siyang ekspresyon ng ating henyo at kadakilaan. Ito ay pagiging malaya mula sa dikta ng sinumang dayuhan. Kalagayan para sa masa, hindi ng iilan. Karangalan at dignidad para sa lahat ng Pilipino, hindi para sa dayuhan. Kasarinlan at pagiging respetado sa pamilya ng mga bansa.

"DEMOKRASYA" ANG LIPUNANG ITATAYO NG PILIPINISMO

And kasalukuyang pamahalaan ay masasabing bihag pa rin ng mga dayuhang interes. Ang interes ng malawak na masa ng Pilipino ay walang ganap na kumakatawan sa gobyerno. Ang panawagan para sa demokrasya ay rebolusyonaryo sapagkat hindi pa umiiral ang demokrasya sa ating bansa. Ang mga naging halalan ay hindi batayan ng tunay na demokrasya.

Kapag namulat ang mga mamamayan sa Pilipinismo matututo silang lumaban para sa tunay na demokrasya at hindi sila malilinlang ng mga grupong kunwa ay nagtataguyod ng "demokrasya", pero diktadura pala ang nais itayo. Hindi natin kailangang kopyahin ang konsepto ng demokrasya ng ibang bansa sapagkat ang ating sariling konsepto ng pakikibaka para sa kabansaan ay kaakibat din ng pakikibaka para sa demokrasya. Mayroon na tayong sariling konsepton ng demokrasya batay sa ating positibo at negatibong karanasan.

Ang demokrasya para sa atin ay pagkakapantay-pantay ng pagkakataong pangkabuhayan at pagkakapantay-pantay sa harap ng batas. Nangangahulugan din ito ng katarungan na walang kinikilingang uri at yaman. Ito rin ay isang gobyerno ng batas at hindi ng tao.

Samakatuwid, ang mga Pambansang Layunin ng KALAYAANG PAMPULITIKA, KATUBUSANG PANGKABUHAYAN at PANLIPUNANG PAGKAKASUNDO ay nakatuon lahat ang pansin sa PILIPINO bilang kataastaasang layon ng pagpapalaya at paggawad ng tunay na Demokrasya. Iyan ang pinaka-ubod ng Pilipinismo. Ang (1) PILIPINO at (2) DEMOKRASYA ay siyang mga Pundamental na Balyus ng Pilipinismo at ang (1) Kalayaang Pampulitika, (2) Katubusang Pangkabuhayan, at (3) Panlipunang Pagkakasundo bilang tatlong Pangunahing Adhikain ay sumusunod bilang pundamental balyus. Susunod na dito ang mga secondary balyus tulad ng kalayaan, pagkakaisa, katarungan at iba pa. Nakasingkaw dapat ang mga ito tulad ng tertiary balyus gaya ng katapatan, kasipagan, kalinisan sa pundamental at kataas-taasang balyus.

"KAPWA", NATATANGING BATAYAN NG PAGKA-PILIPINO AT PAGKA-DEMOKRATIKO

Ang dalawang kataas-taasang balyu ng PILIPINO at DEMOKRASYA ay hinalaw mula sa Core-Concept ng "KAPWA". Ang ibig sabihin ng "kapwa" ay pagiging tunay na Pilipino at tunay na demokratiko. Samakatuwid ang "KAPWA" ay nasa loob pa ng "PILIPINO" na nasa sentro ng PILIPINISMO.

Sa pinakabuod ng PILIPINO ay ang "KAPWA" na siyang nagbibigay buhay sa pagiging Pilipino na kung saan nakaugat ang Pilipinismo.

Hindi ibig sabihin ng "kapwa" ay iyong "iba" sa sarili kundi iyong pagkakaisa ng sarili at ang ibang Pilipino na dapat isapuso at isaloob ng lahat ng Pilipino upang hindi siya maaaring gawing kasangkapan ng dayuhan laban sa kanyang kapwa-Pilipino. Ang ibig sabihin ng "kapwa" kabahagi kita ng identidad o pagkakilanlan.

Ang pakikipagkapwa-Pilipino ay siyang pinakamataas na antas ng pakikiisa. Nililinaw nito ang "pakikiisa". Hindi basta pakikiisa kahit kanino kundi sa kapwa-Pilipino.

Ang pakikiisa ay ang susunod sa pakikipagkapwa-Pilipino sa antas ng interaksiyon. May aksiyon at sakripisyo dito. Ang susunod dito pababa ay pakikisangkot. May aksiyon ngunit hindi tuloy-tuloy. Sunod ang pakikipagpalagayan o pagkakaroon ng unawaan. Pakikisama naman ay parang nakikiayon lang, walang aksiyon. Pakikilahok, ay walang malalim na pagsama sa isang umpukan. Parang sangkap sa isang ulam. Pakikisalamuha ay hindi antagonistikong relasyon. Pakikitungo ay pagtanggap lamang ng ginagawa ng iba.

Sa pagbubuo ng dapat gamitin ng mga tagapagtaguyod Pilipinismo ang lahat ng antas ng interaksiyon mula sa pinakamababa, pakikitungo hanggang sa pakikiisa at ng pakikipagkapwa-Pilipino.

Sa "kapwa" ay kasama na rito ang makatarungan, demokrasya, pagkakapantay at pagkilala sa kalayaang hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapwa-Pilipino.

Kalaban ng Kapwa ang limang kasamaan (evils) sa lipunang Pilipino laluna kung dayuhan ang gumagawa nito. Una ay walang pakikisama kung Pilipino ay maaari pang patawarin. Malinaw kung dayuhan na gusto lang nila ang pakinabang na walang binibigay na kapalit.

Walanghiya - yaong walang pakundangan sa interes at dangal ng mga Pilipino. Walang utang na loob. Hindi natin dapat asahan sa mga dayuhan upang hindi tayo maloko. Wala sila niyan. Ang gusto lang nila ay pakinabang.

Walang kapwa tao - siya lang ang parang may karapatan sa mundo. Maraming mga dayuhan ang bilyonaryo na nasa bansa pero gusto pa nila itong wasakin at walang utang na loob. Dapat silang labanan at durugin.

Ang walang kapwa-Pilipino ay pag-uugali na kasuklam-suklam maging sa Pilipino man o dayuhan. Kailangan parusahan sila upang hindi na sila makapinsala pa sa atin.

Mula sa mga ito, mahahalaw natin ang ilang salawikain na magbibigay sa atin ng mga kaliwanagan tungo sa wastong paraan ng paggawa ng pang-ideolohiyang, pampulitika at pang-organisasyong gawain. Ang mga ito ay di na kailangang ipaliwanag pa.

"MADALI ANG MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATAO."

"MADALI ANG MAGING PILIPINO, MAHIRAP MAGPAKA-PILIPINO."

"MADALI ANG MAKIPAGKAPWA-TAO, MAHIRAP MAKIPAGKAPWA-PILIPINO."