Sumulong sa Kadakilaan

Showing posts with label Emilio Jacinto. Show all posts
Showing posts with label Emilio Jacinto. Show all posts

Thursday, July 16, 2009

Emilio Jacinto (attrib.)

“Pahayag”


Source: Dimas Alan, “Pahayag”, translated into Spanish by
Juan Caro y Mora under the title “Manifiesto”in Wenceslao E. Retana (ed.),
Archivo del bibliofilo Filipino, vol. III (Madrid: Imprenta de la viuda de
M. Minuesa de los Rios, 1897), pp.138-44.


Introduction

“Pahayag,” the longest of the known contributions to Kalayaan, imagines a conversation between a patriotic youth and a shadowy apparition of Liberty, who regrets she has not visited the Islands for over three hundred years. The youth describes the sorrows of the Tagalog people, and beseeches Liberty to stay and help them be free.

Pio Valenzuela, in whose house Kalayaan was produced, recalled that in writing the piece Emilio Jacinto took inspiration from a book called Las Ruinas de Palmira.[1] This was a Spanish edition of Les Ruines, ou méditations sur les révolutions des empires by the French philosophe Constantin-François de Volney. Published in 1791, Volney’s work became a late Enlightenment classic, and in various translations remained influential throughout the 19th century. It made a great impression on Abraham Lincoln, and Andres Bonifacio reportedly had a personal copy that he donated to the Katipunan’s small library.[2]

Translations

Unfortunately, the original Tagalog text of “Pahayag” has never been located, not even a fragment or a draft, and historians who have summarised or discussed the piece have been obliged to rely on the Spanish translation published in 1897 by Wenceslao Retana, as cited above. So far as is known, the text has not previously been translated into English in its entirety, although extracts are to be found in several studies. The English translation in the right-hand column below is my own, but to some extent it is a collation and assemblage of four partial translations: (i) Epifanio de los Santos, “Emilio Jacinto”, Philippine Review, III:6 (June 1918), pp.419-20; (ii) Reynaldo Clemeña Ileto, Pasyon and Revolution: popular movements in the Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1979), pp.109-13; (iii) Vicente L. Rafael, The Promise of the Foreign: nationalism and the technics of translation in the Philippines (Pasig City: Anvil, 2006), pp.185-90; and (iv) a translation of some sections of the text made many years ago by my father, Geoffrey Walter Richardson.

Beneath the parallel Spanish and English versions is Virgilio S. Almario’s retranslation of the text into Tagalog from Juan Caro y Mora’s Spanish. [From Virgilio S. Almario, Panitikan ng rebolusyon(g 1896) (Quezon City: University of the Philippines Press, 1997), pp.160-3.]

Retranslation into Tagalog from Juan Caro y Mora’s Spanish translation



Pahayag



Isa iyong gabing madilim.

Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng kagimbal-gimbal na gabing iyon.

Nakayukayok at sapupo ng dalawang palad ang mukha, naghihimutok ang isang kabataan.

Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay nanganganib nang kusang panawan ng buhay.

Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa kanyang puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:

"Bakit ka lumuluha? Anong kirot o dalita ang dumudurog sa iyong puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?"

Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.


"Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko'y walang lunas, walang katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang antalahin ang aking paghibik?"

"Hanggang kailan," sagot ng anino, "ang kamangmangan at ang katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng mga bayan?

"Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa kabulagan ng pag-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaa-ring matamo ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan."

"Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?"

"Ay, sa aba ko! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala hanggang ngayon? Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya naglaho sa inyong mga gunita ang pagkakilala sa akin...

"Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo'y makinig: Ako ay ang simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay ang siga ng "Santa Inkisisyon" na ginamit ng mga prayle para busabusin ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko'y napagkakaisa ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang mababangis na panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya at kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibang pook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at tuklasin ang mga hiwaga ng siyensiya; saan mang pinaghaharian ko ay napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na nalulunod sa pang-aalipin at kabangisan. Ang pangalan ko ay KALAYAAN."

Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng ilang saglit saka nakapangusap:

"Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o kataas-taasang Kalayaan! papawiin ko ang pighati na nagpapabalong ng labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa mga pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!

“'Ako,' sabi nila, 'ay nagugutom,' at siyang nagturo sa akin na pakainin ang nagugutom ay tumugon: 'Kainin ang mga labi at mga mumo sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag.'

"Sabi ng aking mga kapatid: 'Ako'y nauuhaw,' at siyang nagturo sa akin na painumin ang nauuhaw ay tumugon:
'Lagukin ang inyong mga luha at ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nito.'

"Hibik ng aking mga kapatid: 'Wala akong damit, ganap akong hubad,' at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon: 'Ngayon di'y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga tanikala.'

"Sabi ng aking mga kapatid: 'Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng isang Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na haligi ng hustisya ay tumutugon: 'Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido at isang masamang tao: ikulong sa piitan!'

"Sasabihin ng aking mga kapatid: 'Kaunting pag-ibig, kaunting awa at kaunting lingap,' at mabilisang tutugon ang mga may-kapangyarihan at pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala: 'Ang taong iyan ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa Iligan!'

"Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang pagluha..."

"Dapat magdamdam at lumuha," tugon ni KALAYAAN sa himig na nangungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita. "Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang may sugat ay wala nang dugong maitigis, kung ang mga sukab ay wala nang buhay na maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez at Zamora, sa pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga kaaway, at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan. Lumuha sa sariling tahanan at sa katahimikan at kadiliman ng gabi ay hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para sa isang kabataan... hindi ito ang nararapat."

"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa."

"Hindi lahat ng naugalian ay mabuti," paliwanag ni KALAYAAN, "may masasamang kahiligan at ang mga ito'y dapat iwaksi lagi ng mga tao."

Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang sasabihin at walang maapuhap na ipangungusap. Sa gayon ay nagpatuloy si KALAYAAN sa pagpapaliwanag.


"Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang wasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay binaluktot. Samakatwid, makinigka. Noong sinaunang panahon, noong ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan; tinatanglawan ng aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang karampatan, at nangakong luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa kanya.

"Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at pagkilos, ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad na bayan... at inalayan siya ng iyong mga kapatid ng papuri at halos pagsamba... at ako ay nakalimutan at halos itakwil nang may pagkamuhi at... Umabot sa akin ang iyong mga hinagpis at natigib ako sa labis-labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo'y dapat na akong umalis kaya't paalam na."

"Huwag muna, Kalayaan," pakiusap ng kabataan nang makita siyang tumalikod at nakahandang lumisan. "Pagbigyan mo muna ako ng kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring kahabagan at ibalik sa iyong pangangalaga?"


"Unawain akong mabuti, bagama't hindi mo nababanggit, walang ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi at tuwing may naririnig na dumaraing.
Ngunit walang tao na karapat-dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o katinubuang lupa."

Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy, na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis...

Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.

DIMAS ALAN


NOTES

[1] Pio Valenzuela, “Memoirs” (translated by Luis Serrano from an unpublished manuscript in Tagalog (c.1914) and reproduced as Appendix A in Minutes of the Katipunan (Manila: National Heroes Commission, 1964), p.106.

[2] Epifanio de los Santos, “Andrés Bonifacio”, Revista Filipina, II:11 (November 1917), p.61.

"Sa mga Kababayan", circa March 1896

Emilio Jacinto (attrib.)

“Sa mga Kababayan”

Source: “Sa mga Kababayan”, incomplete manuscript copy in Archivo General Militar
de Madrid, Caja 5395, le.4.25; Spanish translation from Kalayaan by Juan Caro y Mora
published under the title “Á los compatriotas” in Wenceslao E. Retana (comp.),
Archivo del bibliófilo filipino, vol.III (Madrid: Imprenta de la Viuda de M. Minuesa
de los Rios, 1897), pp.134-8.


Introduction

“Sa mga Kababayan” was the lead editorial in the sole issue of Kalayaan. Pio Valenzuela, in whose house the paper was produced, recalls in his Memoirs that “I wrote the first editorial and handed it to Emilio Jacinto for publication in the first issue” [but when] he “showed me the proof of the first page [I saw to my surprise] that the printed editorial was not the one I had given him but another by Marcelo H. del Pilar in La Solidaridad,” the organ of the propaganda movement in Spain that had ceased publication in 1895. This editorial, Valenzuela continues, “was translated into Tagalog by Jacinto, and was much better than the one I had prepared. I told Jacinto that I almost believed that the real editor of [Kalayaan] was Del Pilar himself. There were various Bulaqueños who knew the Tagalog of Del Pilar, and they declared the language used by Jacinto in his translation resembled Del Pilar’s perfectly.”[1] In his conversations many years later with Agoncillo, Valenzuela varied this account slightly, recollecting that Jacinto based “Sa mga Kababayan” on a number of editorials by Del Pilar rather than just one.[2]

In the piece, the supposed editor sends his salutations from “the other side of the wide ocean”, laments that Spain had scorned La Solidaridad’s patient supplications, and urges his compatriots now to support the cause of Kalayaan and take charge of their own destiny.

A manuscript copy of “Sa mga Kababayan” that survives in Madrid, which is transcribed below, is in Bonifacio’s handwriting, not Jacinto’s, but this does not necessarily mean that Bonifacio was actually the author. It is entirely plausible that Bonifacio copied out the text whilst Kalayaan was being prepared for publication, perhaps for editing purposes and perhaps to make it more legible for the printers.

There is no way of knowing for certain whether the Madrid manuscript was the final draft prior to the editorial being set in type, or whether there were later amendments. Nevertheless, any such amendments can only have been minor, because the text of the manuscript clearly does correspond very substantially with the Spanish translation made from a printed copy of Kalayaan that was published by Wenceslao Retana in 1897.[3]

The manuscript copy, however, is incomplete. It has seven paragraphs, whereas the Spanish translation has ten. To give at least an indication of how the piece concludes, the last three paragraphs have been translated into English below from the Spanish translation.

Paragraph numbers do not appear in the original, and have been inserted here simply to facilitate comparison between the Tagalog text and the English translation.


› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

Tagalog text

Sa mga Kababayan

1.
Buhat dito sa kabila ng malawak na dagat, sa sinapupunan at pagkakandili ng ibang lupa at ibang mga kautusan, sa inyo mga kababayan ang tungo ng aming unang bati, ang kaunaunahang salita na iguhit ng aming kamay, ang unang himutok na pumulas sa aming dibdib, ang unang pag bigkas ng aming mga labi…sa lahat ay sa inyo.

2.
Inyo ngang tangapin, at masarapin tunay ng inyong kalooban, sa pagkat nagbubuhat sa tapat naming puso, na wala nang iba pang itinitibok kung di isang matinding pag ibig sa tinubuang Bayan at tunay na pag daramdam sa pagkaapi at inaabot nyang kadustaan.

3.
Kapagkarakang narinig ng aming mga tainga ang inyong mga pag daing, kapagkarakang mapag malas ng aming mga mata ang inyong pagkaaping walang makatulad at mabangis na kahirapan, agad nang nukal na kusa sa aming kalooban ang isang banal at dakilang nasa, na kayo’y maibangon sa pagkalugmok at pukawin ang inyong puso sa pagkahimbing at malusong pagkagupiling o maampat kaya ang matinding dagok ng sakit at kalumbayang inyong tinitiis.

4.
Tunay na kami ay umasa din, gaya ng makapal na mga kababayan na nagakala na ang inang Espana ay siyang tanging may karapatang mag bigay ng kaginhawahan nitong Katagalugan. Nguni’t ang panahung lumipas, ang patung patung na pag ulol ang walang pangitang silo ng daya na sa aking isinumang, ang mga pangakung hindi tinutupad, ay siyang omuntag [?] sa aming payapang at katiwalang kalooban at nag pakilalang tayo’y siyang gumawa at may yaman at umiasa’t antain sa ating lakas na sarili ikabubuhay.

5.
¿Ano pa ang inaantay at hinahangad? Tatlong daang taung mahigit na pag titiis sa bigat ng pamatok ng pagkaalipin, malaung panahung wala tayong ginawa kungdi ang lumuhogluhog at humingi sa kanila ng kahit gabuhit na pag lingap at kaunting paglingon, gayon ma’y ¿ano ang nakikita nating isinasagut at iginaganti sa ating pag mamakaawa? Wala kung di ang tayo’y itapun isadlak sa lalung kamatayan.

6.
Pitong taung walang tigil na ang “La Solidaridad” ay kusang nagpumilit na iniubos ang buong lakas niya, upang tamuhin natin ang mga matamo ng kaunting karapatan sa kabuhayan ng tao, at ¿ano ang inabot niyang pala sa mga pagud at panahung ginugol? Pangako, daya, alipusta at mapait na pagkamatay......

7.
Ngayong hapu na ang ating nag taas na kamay sa laging pag luhog; ngayong na namamaus na’t unti unting na wala ang sigaw ng ating mapanghan na tingig sa laging pag daing, ngayong inaagaw na halus ang ating hininga sa bangis ng hirap, aming itinayu ang yukong ulong a gawi na sa pag suko, at kumuhang lakas sa matibay na pananalig namin sa tunay na katuiran, na maimulat ang kaisipan ng aming mga kababayan at maipakitang malinaw sa kanila na ang salitang Inang Espana ay isang pag limang at hibo lamang, na maitutulad, sa basahang pangbalut sa tanikalang kaladkad; walang ina’t walang anak; wala kung di isang lahing lumulupig at isang lahing palulupig, isang bayang nagtatamasa at nabubusog sa di niya pagud at isang bayang nagpapagud sa di niya pinakikinabangan at ikinabubusog.


› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

English translation

To the Compatriots

1.
From here on the other side of the wide ocean, under the bosom and protection of another land and other laws, to you, compatriots, is sent our first greeting, the first word written by our hand, the first sigh that leaves our breast, the first enunciation, too, of our lips... everything is to you.

2.
Receive it then, and truly savour it in your being, because it comes from our sincere heart, which beats with nothing but an intense love for the native land and a true compassion for her in the oppression she suffers.

3.
Readily our ears can hear your complaints; readily our eyes so often have the misfortune to see your singular oppression and cruel hardship; immediately and spontaneously there springs in our soul a great and exalted desire that you may rise up from your prostration and rouse your hearts from their deep and restful slumber, and thus bring to an end the heavy blows of pain and your woeful tribulations.

4.
Truly we also hoped, as a great number of compatriots believed, that only mother Spain has the right to give prosperity to this Katagalugan. But time passes; the follies accumulate, the faceless web of deceit that I repudiate, the unfulfilled promises have shattered our peaceful and trusting nature and made us realise that we must be the ones to act and create wealth and that we must hope and wait on our own strength to achieve our welfare.

5.
What else is to be expected and desired? Over three hundred years suffering the heavy yoke of slavery, yet for a long time we did nothing but beseech and ask them for just a little consideration and a little mercy. And then what answers were seen in response to our supplications and pitifulness? None, except that we were sent into exile or even to our deaths.

6.
For seven years La Solidaridad worked incessantly and exhausted its whole strength in order that we might achieve some modest right to a human existence. And yet what was the result of the expended time and effort? Promises, deceit, scorn and bitter death….

7.
Now we are weary of raising our hands aloft in constant supplication; now the cry of our mournful voice in constant complaint is gradually ceasing; and now our breath has almost been taken away from us by the cruelty of our suffering; we raise our bowed heads, accustomed to being submissive, and drawing strength from our firm belief in true reason, we can open the minds of our fellow countrymen and show them clearly that the phrase Mother Spain is only a distraction and deceit that can be compared to a rag wrapped around encumbering shackles; that there is no mother and no child; that there is nothing else than a race that oppresses and a race that is oppressed; a people that tirelessly enriches and satiates itself and a people that is tired of deprivation and hunger.

____________________________________________

From this point onwards, the Tagalog text has not been located. The remainder of the editorial, as published in Spanish translation in Retana’s Archivo, was many years ago translated in turn into English by my father, Geoffrey Walter Richardson, and is as follows:-



8.
Too well we know that this must cause great misgivings and fears, must give rise to a cruel persecution and all kinds of torments and sufferings for our compatriots there. But what do one, or five, or ten, or a hundred, signify in comparison with a million brothers? We firmly believe, moreover, that these abominations and vilenesses will come to us first from the arms of collaborators, as was already predicted by the wisest, most noble and most esteemed of the Tagalogs [José Rizal] when they notified him of the arrest of those who were exiled: “Weep, I tell them - the son for the disgrace of the father, the father for the disgrace of the son, the brother for the brother - but he who loves the country where he was born, and considers what is necessary to better it, should rejoice, because by this road alone can freedom now be attained.”

9.
And now that we have shown our aim and purpose, we will not end these inadequate lines without sharing your lamentations. We see the truth, and in our hearts and breasts we have a great and deep desire that you help us in the publication and propaganda of Kalayaan, above all amongst the unfortunate people of the country, for the insults they suffer are the cause and motive of this publication.

10.
And if by chance they could not use it for any greater purpose, may it at least serve as a cloth to wipe the tears that fall from their eyes and the sweat that runs from their humbled brows.


NOTES

[1] Pio Valenzuela, “Memoirs” (translated by Luis Serrano from an unpublished manuscript in Tagalog (c.1914) and reproduced as Appendix A in Minutes of the Katipunan (Manila: National Heroes Commission, 1964), p.106.

[2] Teodoro A. Agoncillo, The Revolt of the Masses: the story of Bonifacio and the Katipunan (Quezon City: University of the Philippines Press, 1956), p.79.

[3] The most evident disparity is in the second sentence of the fourth paragraph, which could be rendered from the Retana version into English as “But time passes; the multiple follies and the unfulfilled promises have clarified and awakened our whole view of things, and made us realise that the blood of the Spaniards here or living in the Archipelago is the same blood as that of the Spaniards who live in Spain.”

Sa Bayang tinubuan

Emilio Jacinto
Sa Bayang tinubuan
Source: Archivo General Militar de Madrid: Caja 5677, leg.1.96

Introduction


This poem is in the handwriting of Jacinto, but is unsigned and undated. It might be one of the contributions he wrote around April 1896 for the second issue of Kalayaan, whose publication had to be aborted.

Jacinto calls upon his enslaved compatriots to emulate the example of their brothers in Cuba, who after long years of docility had at last come to life and rebelled.
› › › › › › › › › › › › › › › › › › › › ›

Sa Bayang tinubuan

¡ Oh, Bayang nahimlay sa kaalipinan!

¿ ano’t di bumangun sa pagkagulaylay?

bugsi [?] iyang mo’t kusa kang pumukaw,

masdan ang pagayop ng Inang hinirang.

Iyang nangalandakan na Inang España,

maraming pangakong pagyayamanin ka,

tatlong dang taun ang nakaraus na,

magpahanga ngayon ay dinadaya pa.

Matamis na sabi’y huag kang mawiwili,

lalung mararawal ang buhay sa huli,

dusang patung patung ang ibabahagi

sa tanang anak mong larawan ng api.



Masdan ang ginawa kapatid mong isa,

sa masusunurin nga at payapang Cuba,

¿ di ang naging huli binigian ng sigla?

kaya’t naghiganti buhay ma’y mapaka.



¿ Ano’t di balungan ng kamunting hiya,

matutong magdamdam sa pasan mong dalita

[?]ng mo pa yatang mamatay sa pula,

na sa itangol mo ang anak na mutiya.



¿ Di baga mayroon kang kalakasa’t tapang?

lupa mo’y ¿ di baga sagana sa yaman?

¿ bakit di iwaksi ang parusang alay,

ihanap ng aliw iyang kabuhayan?



¿ Di baga mayroon kang malalaking bundok,

na panganganlungan sa pakikihamok,

sagana sa ani’t sagana sa hayop?

di nga magugutom, di madadayukdok.



¿ Bakit naruruag at nagbabata ka,

na sa iyo’y ipatung tanikalang dusa?

di ikaw may pakpak na gaya ng Aguila,

¿ ano’t di gamitin ang dahas at sigla?



Ang akalain mo’y kapaguagpabaya,

cusang manatili sa pagkapayapa,

darating ang araw ng lalung dalita,

na iyong kakanin ang sariling luha.



Ang mga sakup mo’y lalung lulupigin

yuta yutang dusa ang iyong papasanin,

ang anak mo’t ikaw pawang malalagim

sa daguk ng lubhang dahas ng hilahil.

Ang Kartilya ng Katipunan

ANG KARTILYA NG KATIPUNAN
Emilio Jacinto

1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin, ang umaapi.

9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi sariling wika; yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi't magkakapatid ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang natumbasan.

Inilagay ng Utak ng Katipunan ang mga aral ng kapatiran sa mga makapangyarihang salitang ito.